Masaya si Angel habang bumaba sa hagdan. Katatapos lang kasi niyang maglinis sa taas. Kahit ang dami niyang ginagawa o malaki ang nililinis niya ay pakiramdam niya ay hindi siya napapagod dahil masaya siya. Si David Montefalco ang nagbibigay buhay, sigla, at saya sa kanya. Kahit gaano pa kalaki ang lilinisin niya ay kaya niyang gawin dahil marami siyang energy. Lahat ay kaya niyang gawin ngayon. Ang totoo niyan ay ayaw na siyang pagtrabahuin ng binata, pero syempre hindi siya pumayag. Ano na lang ang iisipin ng iba? Hindi pa nga sila, pero kung makaasta na siya ay para ng asawa nito. Ayaw niya na maisipan siya ng masama, lalo na ang binata. Gusto niyang magtrabaho sa mansyon nito habang hindi pa sila kasal. Bigla siyang pinamulahan ng pisngi sa naisip. Hindi pa nga sila, pero kasal na a

