"Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta ka na, hija?" agad na tanong ni Manang Tessa ng makita si Angel. "Namumula pa ang mga pisngi mo." Dalawang araw na ang nakakalipas ng sinabunutan siya ni Daisy, pero hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi niya. Masyadong maputi ang mukha niya kaya nakikita pa rin ang pagkapula nito dahil sa sampal. "Okay naman na ako, Manang. Gusto ko na nga po sana magtrabaho, pero ayaw pumayag ni David." Nasasabi na tuloy nya na masyadong o.a ang binata. Ayaw siya nitong patrabahuin, ang gusto nito ay magpahinga lang siya. Ayos lang naman ang pakiramdam niya, medyo masakit lang ang ulo niya dahil sa pagsabunot nito sa buhok niya at ang mukha niya na namumula pa. Maliban doon ay maayos naman siya. Talagang o.a lang mag-react si David. "Nag-aalala lang sa iyo

