Simula
"Hayst grabe! Naka-drugs ka ba?!" inis kong sabi sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harap ko habang ako ay nakaupo at nakasandal sa puno.
"Hindi 'no! Bawal kaya 'yon sa amin," kontra naman niya at napailing na lang ako, umupo ito sa harap ko. "Bakit ba ayaw mong maniwala na anghel ako?" Iyan ang problema namin ngayon, pinagpipilitan niya na angel daw siya tapos binabantayan niya ako.
"Eh hindi naman kasi totoo ang mga angel eh, haka-haka lang 'yon at mga bata lang ang naniniwala do'n." Napakunot naman ang noo niya at inilapit ng kunti ang mukha niya sa akin.
"Papatunayan ko sayo na anghel ako Heavenly," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kilala niya ako?
"Oo Heavenly, I know you kase nga ako ang guardian angel mo," nakangiti niyang sabi sa akin pero hindi ako sumagot. Nababasa niya ang nasa isip ko?
Mabilis akong tumayo at tinalikuran siya. Ayaw ko ng marinig pa ang mga kalokohan niya, at wala rin akong pake kung kilala niya ako. Malay ko stalker ko siya diba.
"I'm not." Napahinto ako ng marinig 'yon. "Ako nga kasi ang guardian angel mo... At ikaw ang misyon ko." Dahan-dahan akong humarap sa kanya pero wala na siya. Nasaan na 'yon?
"At ikaw ang misyon ko."
"At ikaw ang misyon ko."
"At ikaw ang misyon ko."
Paulit-ulit ito sa utak ko. Bakit? Anong misyon?