Dalawang araw mula noong may nag bigay sa akin ng bulaklak. At hindi ko pa rin maintindihan si Cairo.
"Heavenly!" Patalon na humiga si Cairo sa kama ko habang ako ay nakaupo sa harap ng salamin at nag-aayos. "Hindi ba, mag-aaral rin ako?"
"Huh?" Napansin ko pa ang pag surimpat ng mata niya.
"Hindi ba ang dahilan natin sa tita Crell mo ay mag-aaral ako kaya narito ako." Natigilan naman ako sa ginagawa ko. "At saan ka naman kukuha ng pang-tuition, huh?" Napangiti siya na parang may kung anong naisip.
"Tutal, mayaman naman kayo… Edi, pautangin niyo na lang ako." Sabay ngisi sa akin.
"Ikaw lang ata ang anghel na nangungutang!" Bigla akong tumayo at kinuha ang bag ko, nakasunod naman ang tingin sa akin ni Cairo.
"Saan ka pupunta?" he asked.
"You don't need to know pa, bye!" Agad akong lumabas at isinara ang pinto. "Huwag kang susunod!" dagdag ko pa bago umalis.
Agad akong sumakay ng kotse at nagtungo sa mall. Nang makarating ako dito ay nakita ko naman agad sina Kria at Lia sa National Book's Store.
"Hi, Heavenly!" Lumapit sa akin ang kambal at nakipag-beso. "Ngayon lang ulit tayo makakagala. Hays!" usal pa ni Kria at ngumiti na lang ako.
"So, saan tayo?" tanong ko.
"Sa Jollibee!" mabilis na sagot ng kambal. Ito talagang dalawang ito, laging gustong lumamon sa tuwing gumagala kami kaya pati ako napapakain na rin kahit diet ako. "Let's go!" Inakbayan ko silang dalawa at nagtungo kami sa Jollibee.
Cairo's POV
"Oh, kumain ka muna." Inilapag ni manang Diday ang mga pagkain sa mesa. "Pakabusog ka." At saka umalis na rin siya dahil maglalaba pa raw siya.
Naglagay naman ako sa plato ko ng kanin, at isang mahaba na medyo mataba at kulay pula. Ano ba ito? Nevermind. Nagsimula na akong kumain. Ang sarap naman ng kulay pula at mahabang ito. Itatanong ko agad kay Heavenly ang tawag dito at magpapabili ako ng marami. Nagpakabusog ako gaya ng sinabi ni manang Diday at saka humilata sa sofa. Feel at home daw dapat ako sabi ng daddy ni Heavenly, at dahil masunurin akong anghel…
"Manang pakibukas nga po ng tv." Agad namang sinunod ni manang ang gusto ko. Huwag niyong isiping tamad ako at masamang anghel, ah? Sadyang hindi ko lang alam kung paano magbukas ng TV. Kasalanan ito ni Heavenly, iniwan niya ako, hmpt!
"Cairo!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang pamilyar na boses. "Sitting pretty ka d'yan! Hindi mo pa nagagawa ang iyong misyon!" Hindi nga ako nagkakamali.
"Uy, kupal!" Tinapik ko siya sa braso at napakunot naman ang kanyang noo. "Kupal? Hindi ba't parang napaka-inpormal na salita iyon?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Anghel ka, Cairo. Hindi normal na taong bumibigkas na lamang ng mga salitang hindi kaaya-aya."
Inakbayan ko siya. "Leo, kaibigan kita…" "Ano'ng kinalaman no'n sa mga hindi kaaya-ayang salita na sinabi mo?" tanong ni Leo.
"Wala. Hehe!" Nginisian ko siya. "Ano bang ginagawa mo dito?"
Napabuntong hininga siya. "Gusto ko lang namang ipaalam sa iyo na kailangan mo nang magawa ang iyong misyon dito sa lupa," saad niya. "Dahil ang kadiliman ay muling nagbabalik. Mag-iingat ka, kaibigan." Tinapik niya ako sa balikat.
"Pero ano ba talaga ang aking mis--" Bigla siyang naglaho. Bakit ba hindi nila sinasabi sa akin ang tunay kong misyon? Hays! Nagpatuloy na lang ako sa panonood.
Alam kong kailangan ko nang kumilos, pero paano? Hindi ko alam ang misyon ko. Kumikilos ang kadiliman? Bakit at paano? Kailangan kong puntahan si Heavenly, kailangan ko siyang bantayan. Sa ngayon, iyon muna ang gagawin ko. Ang bantayan si Heavenly.
Heavenly's POV
Kwentuhan, tawanan, biruan, at kulitan, iyan ang ginawa namin habang namamasyal sa mall, at syempre we bought some things.
"Kain tayo, nagugutom na naman ako, e." Napailing na lang kami ni Kria dahil sa sinabi ng kambal niya.
"Gutom na naman? Hays! Sige, saan niyo gustong kumain?" I asked then, they smiled at me.
"Libre mo?" Aba't, nagtanong lang naman ako, libre ko na agad? I just nodded at them at nakatinginan pa sila.
"Sa Burger King!" sagot nilang pareho. Nagtungo kami sa Burger King, siguro tubig na lang muna ako, medyo busog pa ako, e. Nag-usap muna kami habang hinihintay ang orders.
"So, Heavenly. Kamusta kayo ni Bryle?" Natahimik ako at hindi agad nakasagot sa tanong ni Lia. Bahagya pa akong ginalaw ni Kria para sumagot.
Pilit akong ngumiti. "W-we're fine." Napatungo ako at parang nagtaka naman silang dalawa.
"Really? We're your friends, Heavenly. So, don't hesitate to tell us," Kria said. Inihanda ko ang sarili ko bago sumagot. "We broke up." They were shocks and still don't know what to say. I gave them a wide smile, for them to know that I'm okay. "I... I just moved on," I said. "So, sana kayo rin."
Tumayo sila mula sa kinauupuan at mahigpit akong niyakap. "We're here for you, Heavenly." I hugged them back. "Thank you!" After a second ay dumating na ang waiter dala ang order namin kaya't huminto na rin kami sa dramahan. At this time... Deep inside, I'm smiling, because I know to myself that I moved on. And thanks to Kria and Lia and especially for my Crazy Guardian Angel. Speaking of angel, himala at hindi talaga sumunod sa akin si Cairo.
"Thanks for the treat, Heavenly!" saad ng kambal nang makalabas kami sa Burger King.
Ngayon ay patungo kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan namin dahil uuwi na rin kami. We're still talking habang naglalakad. Kuwentuhan tungkol sa nalalapit na pasukan, kung gaano kasarap ang pagkain sa Burger King at Jollibee, at tungkol sa commitment sa buhay. But then, I'm still quiet and just listening to them. Kunwari pa ay busy ako sa paggamit ng cellphone, but the truth is... Tinatamad lang talaga akong mag salita lalo pa't it's about commitment.
"Kaya ako, hahanap talaga ako ng--" Biglang natigilan si Kria sa pagsasalita nang biglang may mga lalaking naka-motor ang biglang humablot ng cellphone ko.
"Magnanakaw!" sigaw ko! "Hoy! Magnanakaw! You d*mn criminal! Ugh!" Sigaw ako ng sigaw habang pilit hinahabol ang riding in tandem. Mga hinayupak na 'to!
"Heavenly!" patuloy naman akong sinisigawan ng kambal para huminto na sa paghabol sa mga magnanakaw pero hindi ko sila pinapansin. Mahalaga kaya sa'kin ang cellphone na iyon. At saka, hindi man lang sila tumawag ng pulis. Tsk!
"Huy! Ibalik niyo 'yan, ipapakulong ko kayo, mga walang puso, atay, bituka, utak! Wahhh! Mga walang lamang loob!" Hindi pa man sila nakakalayo ay bigla silang napahinto nang may isang lalaking naka-black hoodie ang humarang.
"You d*mn thieves!" walang ekspresyong sabi ng lalaki habang nakapamulsa. "Pare, sagasaan mo na 'yan!" Muling pinaandar ng magnanakaw na driver ang motor pero tila sira na ito at ayaw nang umandar pa.
"P*tang*na, anong nangyari?!" Dinig ko' ng malutong na pagmura ng dalawa. "Tirahin mo na 'yan!" Agad namang bumaba ang may hawak ng cellphone ko at agad na inambangan ng suntok si mysterious man-ang lalaking naka-hoodie. Natamaan siya ng lalaki sa mukha pero parang walang nangyari. Muli niya itong sinuntok sa mukha at parang kalmadong inilagan lang ito ni mysterious man.
"Are you done?" sabi nito sa isang malamig na boses. "Now, say Hello to Hell!" At bigla niyang sinuntok ang lalaki dahilan ng pagkatumba nito at pagdurugo ng ilong. Sa isang suntok lang ay halos hindi na makagulapay ang lalaki. Kinuha naman ni mysterious man ang cellphone ko mula sa kamay nito. Lalapit na sana sa amin si mysterious man nang matigilan ito dahil sa narinig na pagkasa ng b***l.
Seryoso siyang napatingin sa lalaking nakasakay sa motor at may hawak na b***l na ngayon ay nakatutok sa kanya. "Shoot me and the bullet of the g*n you are holding will come back to you!" Parang natameme ang lalaki at nabitawan na lamang ang b***l na hawak niya. Ngumisi naman si mysterious man. "Good boy!" sabi nito bago muling bumaling sa akin ang mga tingin. In his gradual step, I felt something. It was like a familiar presence wrapping around me that I couldn’t explain.
"Is this yours?" Nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Agad kong inagaw sa kanya ang cellphone.
"Yeah, this is mine."
"And I'm yours..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napakunot ang noo. "Nahh, just kidding. Wala man lang bang thank you?" saad nito.
"Hmmm. T-thank you!" Napansin ko ang pag ngiti niya kahit hindi pa rin niya inaalis ang kanyang hoodie.
"I'm, Haicus by the way." Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. Hindi ko naman ito agad nagawang tanggapin dahil sa sinabi niya. Haicus? Kung hindi ako nagkakamali.
"Wahh! Thank you, my hero!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin ang kambal. Siniko ni Kria si Lia.
"Gaga! Hero mo? Baka, Hero ni Heavenly!" Tumawa pa silang dalawa. "Yieeee!" at nang-asar.
"So, uuwi ka na ba? Can I take you home?" tanong ni mysterious man na Haicus daw ang pangalan. "Oo naman," sagot naman ni Lia kaya't muli siyang siniko ni Kria.
"Gaga! Hindi ikaw, si Heavenly." Hinila niya ang kakambal. "Halika na nga, uuwi na tayo. Goodbye, Heavenly! Ingats!" Paalam nila bago sumakay ng kotse.
"So, what's your answer?" muling tanong ng lalaking kaharap ko.
"Haicus?"
"Yes?" parang nagtatakang tanong niya. "Ikaw si..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang kusa na siyang magpakilala.
"I'm Haicus... Your suitor."