Hindi maipinta ang mukha ni Mariella ng araw na iyon. Dumating na naman ang araw na kinaiinisan niya. Kung noon ay hindi niya iyon pinoproblema, ngayon ay tila lagi na itong nagdudulot ng kung anong kaguluhan at pagkabalisa sa kanya. Ang buong akalan niya noon ay mababawasan ang pakiramdam na iyon habang nagkakaedad siya, dala na rin nang hindi niya naman ito nararanasan noon kasama pa ang dating asawa, pero ngayon ay tila matindi ang bugso na dulot nito sa kanya. Noon ay mabilis niya natatanggal ang naturang bagay sa kanyang katawan, pero ngayon tila ayaw magpatinag ng paghuhurumentado sa kanyang looban. Hindi tuloy siya mapakali sa loob ng silid nang araw na iyon, kaya naman napagdesisyunan niya na lumabas upang makapag-unat. Sa sobrang pagkabalisa ay hindi na siya nag-abalang palitan

