Chapter 32

1923 Words

Tahimik na ang kapaligiran nang sumilip si Mariella sa kabahayan nang matapos siya sa pagligo, kaya naman wala na siyang atubili na lumabas nang nakatapis lamang. Presko man ang pakiramdam, naroon pa rin ang kakaibang bigat sa kanyang kalooban. Hindi pa rin kasi mawala-wala ang init na kanyang nadarama nang mga oras na iyon. Kung noon ay nagagawa niya iyong mapakalma salamat na rin sa sama ng loob at galit sa dating asawa, ngayon ay tila wala siyang magawa para pahupain ang nadarama. Para siyang lalagnatin dahil sa matinding kati na bumubulabog sa kanyang kaibituran. Hindi niya man maintindihan ang dahilan nang biglaan panunumbalik ng pakiramdam na iyon. Isa lamang ang sigurado niya, iyon ang unang beses na naranasan niya ang ganoon katinding pakiramdam na para bang mababaliw na siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD