Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat nang sa wakas ay makaupo na silang lahat sa may hapag. Hindi mapigilan ni Mariella ang pagpiwasan, habang pinapalipat-lipat ang tingin sa tatlong lalake sa harapan, iyon nga lang hindi niya magawang tumitig ng matagal sa mga ito, tanging si Jennica, ang dalaga na siyang nakausap niya ukol sa pag-upa roon ang nagagawa niyang ngitian. Naroon kasi ang pagigig seryoso ni Armando, habang hindi naman magawang bumaling ni Arny at Adrian sa kanya. Walang patid tuloy ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba ng mga oras na iyon, idagdag pa ang matinding hiya dahil sa naturang paglalaro ng tadhana sa kanya. “Grabe, small world talaga, no. Kilala niyo na pala isa’t isa. At magkaklase pa pala kayo ni tito.” Magiliw na saad ni Jennica na ha

