Naroon ang ngiti ni Mariella habang pinapalinga ang tingin sa bahay na pinuntahan, kasalukuyan siyang inililibot ng nakausap.
May pagkaluma man ang bahay, pero batid niya naman ang pagmamahal at alaga rito, dahil kahit sinauna pa ang mga mwebles at disenyo ay makikita ang linis at ayos ng mga ito.
“Maganda po dito mam, tahimik, spacious iyong kuwarto, tsaka malapit sa lahat. Pwede niyo rin gamitin iyong bodega doon kung may sobra kayo na gamit.”
Turo ng babae sa isang pinto sa tabi ng silid na kanyang uupahan.
“May malapit ba na police station dito?”
Mabilis niyang habol habang napapalunok na lamang.
Hanggang ng mga oras na iyon ay hindi pa rin nawawala ang matinding kabog sa kanyang dibdib, lalo pa matapos ng mga nangyari noon nakaraan linggo.
“Ay naku, mam. Walking distance lang po diyan sa kanto, katabi na rin po siya ng barangay.”
Magiliw na turo ng babae sa may bintana, na tila ipinapakita kung nasaan iyon.
“That’s good.”
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanya dahil sa gaan ng pakiramdam sa nalaman.
“Wala rin po kayo magiging problema sa may-ari, kasi madalang sila dito, at may hiwalay naman po na daanan para sa inyo.”
Sunod-sunod na ipinakita sa kanya ng kasama ang mga nasabing lugar.
Hindi man kasing laki ng mansyon na nakagisnan niya, masasabi niya pa rin na may kalakihan ang naturang tahanan.
“Paano kapag magluluto ako?”
Iyon ang sumagi sa kanyang isipan nang mapadako sila sa kusina ng naturang bahay, hindi tulad ng ibang silid doon, ang naturang lugar ay mas sophisticado at tila bago ang pagkakagawa. Mula sa mga gamit, mwebles, at pati disenyo ay hindi mo aakalain na parte ito ng lumang bahay.
“Itong main ang ginagamit ng may-ari. Bale itong lumang kitchen po ang sa inyo. Dito naman po iyong sa gitna ang cr.”
Turo ng babae.
Doon niya napagtanto na namumukudtangi talaga ang naturang kusina na iyon, kaya naisip niyang marahil ang asawa ng may-ari ang nagpagawa noon.
Naroon na ang kanyang ngiti habang nagpapalibot ng tingin, nang mayroon nanaman siyang mapansin.
“Ay, bakit parang sira iyong pinto.”
Turo sa naturnag bagay na wala ng siradura.
“Minsan lang po kasi gamitin ito, kasi mayroon naman po sa second floor, and like I said po, halos wala iyong mga may-ari. Pero, pwede ko po sabihin sa kanila na ipaayos iyan bago kayo lumipat.”
Mabilis na sagot ng babae.
“Hindi namang siguro sisingilin sa akin iyon?”
Napalabi na lang siya sabay ngiti ng makulit rito.
“Huwag po kayo mag-alala, ako na po bahala roon.”
Kindat na lang ng binibini.
“Paano pala iyong bayad?”
Naging buo ang kanyang desisyon dahil sa gaan ng kanyang pakiramdam sa naturang lugar, maliban pa sa mura lamang ang upa sa napakalaking silid doon.
“Bale one month advance po tapos one month deposit.”
Iniisa-isa na ng babae ang ilan sa mga hawak nito na dokumento upang siguraduhin ang mga sinasabi.
“And kanino ko ibibigay iyong mga succeeding payments?”
Hindi na nais pang pakawalan ni Mariella ang naturang lugar sa takot na may ibang makakuha noon.
“Bale sa bank account niyo ihuhulog, or pwede rin na direkta niyo na sa may-ari, since nadadaan sila rito once a month.”
Paalam ng kanyang kausap na lumalapad na ang ngiti.
Mabilis kinalkula ni Mariella ang kakailanganin na pera, at sakto naman na pasok iyong sa kanyang budget. Iyon nga lang, hindi sapat ang dinala niyang pera, kung kaya naman mabilis siyang naghalungkat sa kanyang clutch bag.
“Tumatanggap ba kayo ng checke?”
Iyon lang kasi ang naroon sa kanya ng mga oras na iyon.
“Yes po mam.”
Agad na tango ng dilag sa kanya.
Niyaya na siya nito sa sala, nang makaupo na sila ay agaran nitong inilabas ang isang calculator at agaran nagsulat ng ilang mga bagay sa dalang notebook.
“And kailan naman pwede lumipat?”
Nais niya na rin kasing makahiwalay sa kaibigan, lalo pa at alam niyang nakakaabala na siya rito, maliban roon, hindi na siya panatag sa naturang tirahan dahil sa dinanas noon nakaraan.
“Anytime mam, basta makabayad na.”
Masayang tango ng babae na halos kuminang na ang mga mata.
“May kontrata naman right?”
Dahil iyon ang unang beses niya na uupa, nais niyang may panghawakan na kahit ano, para na rin sa kanyang kaligtasan at kasiguraduhan.
“Mayroon naman po, i-go-go na po ba natin?”
Inilatag na isa-isa ng babae nag mga papeles sa kanyang harapan na naglalaman ng kanyang hinihingi.
“Yes, I’ll take it.”
Mas naging maaliwalas ang ngiti ni Mariella pakabitaw ng mga katagang iyon. Nandoon kasi ang kakaibang galak sa kanya ng mga sandaling iyon, dahil sa kakaibang aura ng naturang lugar.
Pakiramdam niya ay doon na siya makapagsisimulang muli. Malayo man iyon sa kanyang nakagisnan, kinuha niya iyon bilang senyales ng kanyang muling pagbangon at bagong buhay.
Matapos magkabayaran ay wala ng sinayang na oras si Mariella, mismo nang araw na iyon kinuha niya ang ilan sa kanyang bagahe sa kaibigan upang doon na matulog, ilang araw niyang pinakiramdaman ang bagong titirhan.
Nang sa wakas ay mapanatag na siya ay dahan-dahan niya ng inilipat roon ang ilang mga gamit na kanyang naisalba at ipinatago sa isang binabayaran na bodega.
Sa laki kasi ng naturang silid na inupahan niya ay kasya ang lahat ng iyon, lalo pa at iilan lang naman ang mga natira niyang kagamitan.
Minarapat naman ni Leora na ihatid siya sa naturang lugar nang kunin niya na sa condo nito ang natitira niyang mga damit, para na rin malaman nito kung saan siya nakatira.
“Sis, sure ka na ba riyan? I mean, look at this place.”
Iyon ang unang lumabas sa bunganga nito, habang napapangiwi nang makita ang naturang lugar. Maliban kasi sa dami ng mga nakaparada na motor, sasakyan, at mga kung ano-ano sa daan, halos nasa tabi pa ito ng kalsada.
“Yes, maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. At isa pa, wala na rin naman ako makikita na ganito kaganda sa budget ko.”
Ipinagkibit balikat niya lamang ang sinabi ng kaibigan. Nakasisiguro naman kasi siya na hindi nito maiintindihan ang kalagayan niya.
“You could have just stayed with me, you know.”
Pagrorolyo ni Leora ng mata.
“Hay, naku. Ang laking abala ko na kaya.”
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan niya nang maalala ang naidulot sa kaibigan.
“And sino nagsabi niyan.”
Napataas na lamang ng isang kilay si Leora sa kanya.
Isang malokong ngiti naman ang ibinalik ni Mariella rito.
“Iyong boylet mo na nakasimangot dahil pinauwi mo nang makita mo na nandoon na pala ako.”
Bara niya na nang akmang magsasalita pa ito.
Nakanganga na napatigil na lamang si Leora, napaisip sa kanyang sinabi, matapos noon ay tinikom na lang nito ang bibig.
“Still.”
Iyon na lamang ang nasabi nito nang mapatawa siya.
“I’ll be okay, don’t worry.”
Isang malambing na tapik ang ibinigay niya sa kaibigan.
Alam niya naman na nag-aalala lamang ito sa kanya, pero nais niya na rin naman na maibigay muli rito ang kalayaan nito.
“Fine, just be don’t forget na my door is always open for you.”
Pagpapapungay na lamang nito ng mata sa kanya.
“Thanks, sis.”
Isang ngiti ang agad namutawi sa kanya bago yakapin ito.
Matapos noon ay kinuha niya na ang mga bagahe sa likuran ng sasakyan. Mabilis naman ibinaba ng kaibigan ang bintana nang makitang isinarado na niya ang pinto roon.
“Wala ka ng nakalimutan?”
Paniniguro nito habang sinisiyasat ang likuran na upuan.
“Yes, you sure you don’t want to come in?”
Magiliw niyang tinuro ang naturang bahay na tinutuluyan.
Mabilis ang naging paglitaw ng ngisi sa mukha ni Leora, sabay ayos ng nakausling buhok sa may tenga nito.
“I have a date today.”
Kagat labing sabi nito bago paglaruin ang mga kila.
Napalinga na lang si Mariella habang nagpipigil ng hagikgik, batid niya na wala na itong tampo sa kanyang biglaan na paglisan.
“Okay. Enjoy.”
Kinawayan niya na lang ito bago nagtuloy-tuloy sa gate.
“I will.”
Balik naman ng kaibigan nang pakaandar ng sasakyan nito.
Doon na siya nagtuloy-tuloy papasok sa loob, puno ng saya at gaan ng loob, habang mapaglarong hinahatak ang trolly bag.
Natigil lamang siya nang makita na papasalubong si Jennica sa kanya, ang babae na siyang tagapamahala ng naturang inuupuhan.
“Mam Mariella.”
Hangos na bati nito na dali-daling tumakbo upang mas mabilis na makalapit sa kanya.
“Oh, Jennica, napadaan ka yata rito, may problema ba doon sa tseke?”
Ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo nang makita ang matinding pamumutla ng dilag. Pawis na pawis ito at bigla ng gulo-gulo ang buhok.
“Ay, wala naman po, pero ano po kasi…”
Napakagat na ito sa ibabang labi habang pinaglalaro ang mga daliri, kasabay ng pagliliwaliw ng mga mata sa ibaba.
“Maybe we should talk inside.”
Niyakag niya na ito na pumasok, pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, subalit hindi na siya napigilan nito na maipihit ang siradura.
Siwang pa lamang ang nabubuksan niya sa pinto, pero rinig na rinig niya na ang pagdagundong ng mga boses ng mga nag-uusap sa loob.
“Dad, seriously! Hindi niyo naman kailangan pagalitan si Jennica, it was an honest mistake.”
Saad ng isang malalim na boses.
“Oo nga dad, kawawa naman si ate.”
Sunod naman ng isa pa.
“Common sense naman kasi, hindi pwedeng babae ang uupa rito.”
Muli naman umalingawngaw ang boses ng pinakamatanda roon, masasabi niyang malaking tao ito dahil sa laki at lakas noon.
“Pwede naman siguro kausapin iyong tenant, ibalik na lang ng buo iyong binayad niya, tapos magdagdag na lang tayo para sa abala.”
Nanatili naman na mahinahon ang kausap nito.
Doon nagpantig ang tenga niya, may kung anong kabog siyang nadama, lalo pa at napanatag na siya sa naturang tirahan. Hindi niya rin maintindihan kung ano ba ang problema kung babae siya. Dahil sa takot na mawala ang bagong tinitirhan at bumalik sa kaibigan, nagtuloy-tuloy na siya sa pagpasok.
Taas noo at buong tamis ang kanyang ngiti nang pumasok roon, handa na sa magiging litanya niya upang subukan na makipag-areglo, pero akmang magsasalita na siya nang mapanganga na lamang siya nang sabay-sabay na lumingon ang mga naroon.
Mabilis ang naging pag-urong ng kanyang dila, kasabay ng pagtakas ng kanyang kaluluwa nang makilala ang mga may-ari ng boses ng nagtatalo.
Mabilisan ang panlalaki ng mga mata ng tatlong lalake na nakaupo sa sala nang makita si Mariella, naroon ang pagtataka sa mukha ng nasa gitna, surpresa sa nasa kaliwa, at galak naman ang sa kanan.
“Mariella?”
Sabay na bungad ni Armando at Arny.
“Mam Mariella?”
Sambulat naman ni Adrian.
“Hey.”
Iyon lamang ang naisagot niya bago mapalunok ng malalim.
Naroon ang bilis ng pagtatambol ng kanyang dibdib, kasabay ng pagtakas ng dugo sa kanyang mukha. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang hihimatayin nang mapagtanto ang mga nangyayari.