“Seryoso ka? Nagkita kayo ng kabit ni Arthur doon?” Halos manlaki ang mga mata ni Leora sa narinig, bago ito mapahagalpak ng halakhak. Napapalo pa ito sa lamesa dahil sa hindi mapigilan na pagtawa. Ilang sandali rin ang kinailangan nito bago makahupa, nakailang lagok pa ito ng tubig bago tuluyan na matigil. Isang malalim na hininga ang kinailangan ni Mariella para pakalmahin ang sarili, naroon pa rin kasi ang pag-iinit ng kanyang dugo ng mga sandaling iyon. “Yes, and ang gaga may tapang pa talaga na sugurin ako.” Naroon ang pasimple niyang pagkukuyom ng palad at tiim ng bagang habang nakahalukipkip. Hindi niya mapigilan ang panlilisik ng mata nang maalala kung paano siya sinugod ng naturang dilag. Mabilis ang naging pagkutitap ng mga mata ni Leora sa kanyang sinabi, kaya naman mas la

