Hindi matanggal ni Mariella ang lapad ng kanyang ngiti pakaapak na pakaapak niya sa loob ng unibersidad, dulot na rin ng kakaibang gaan ng kanyang pakiramdam, dahil na rin sa ilang magagandang alaala na naglalalaro sa kanyang isipan. Malaki man ang pinagbago ng naturang paaralan ay naroon pa rin naman ang ilang mga pamilyar na lugar na nagpapaalala sa kanya ng masasayang panahon noon nag-aaral pa siya rito. Nandoon pa rin ang fountain na nagsilbing hintayan nilang magkakaibigan, ang waiting shed na madalas nilang tambayan, at pati na rin ang mumunting hardin na kadalasan nilang pinupuntahan upang magmuni. Magpapatuloy pa sana siya sa pagnamnam sa nakaraan, subalit naputol iyon nang mabadit niya ang pagharan ng isang estudyante sa kanyang harapan. “Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi ka b

