Ilang araw ding nanatiling nakatago si Mariella sa kanyang silid, umiiwas kay Arny. Hindi niya kayang harapin ito, lalo na’t dala-dala pa rin niya ang matinding takot na baka malaman nito ang ginawa niya sa nakababatang kapatid. Wala rin siyang tiwala sa sarili. Sa tuwing napag-iisa siya, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang ginawa, kasabay ng walang tigil na bulong ng kanyang konsensya na wari’y ayaw siyang patahimikin. Ngunit kahit anong pilit niyang umiwas, hindi niya magawang tuluyang hindi mapansin ang dalawa—lalo pa’t muling naging maingay ang buong kabahayan mula nang makabalik ito. Kaya naman maging ang oras ng kanyang pagligo ay maingat niyang sinasakto—iyong paalis pa lamang si Adrian at hindi pa nakakauwi si Arny—upang hindi niya makasalubong ang alinman sa dalawa. N

