Issues Naging komportable agad ako sa parents ni Kaizen pagdaan ng ilang oras ng pakikipag-usap ko sa kanila. Sobra ako nilang inientertain at ayaw pang ma out of place lalo na't palagi rin akong kinakausap ng Mommy ni Kaizen. "I like your parents," ang bukambibig ko kay Kaizen nang sinamahan niya akong mag cr. He licked his lip and smiled. "Pasado ba bilang pangalawa mong magulang?" he asked me, almost smirking. Tumawa ako. "Why not." Tumawa rin si Kaizen at nailing. Medyo ilang parin naman ako sa kanya dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin pero minsan ay nagiging komportable rin talaga ako. Siya iyong tipo ng taong kakabahan ka pag kasama mo pero komportable rin at the same time. Elle is not as friendly but she knows how to make you feel welcome. Ngumingiti siya sa akin minsan pe

