Delafuente's Clan Sunday. Hindi na ako nagtaka noong pagkagising ko ay bumungad sa akin ang mga aligagang maids sa mansyon at ibang mga event organizer na inaayos na ang kabuuan ng bahay. Mommy is throwing a big party later for her birthday. Humikab ako habang bumababa sa hagdan dala-dala ang isang box, suot ang itim na jacket ni Kaizen while the zipper is open, revealing my sando and panty. Sanay narin naman sila sa akin dahil madalas akong ganito lalo na't mas komportable akong naka panty short lang. Sumulyap pa sa akin ang iilang organizer nang makita ako pero hindi ko nalang pinansin. Itinuro naman ni Manang Letty ang aming pool area, naroon ata si Mommy at Kaedy. Nagtungo agad ako roon at tumakbo pa para mabilis na makarating. Pagkalabas ko, tumatawa si Mommy habang may isinusu

