[SPADE]
WOAH! OUR MR. faraway with the broken heart is back. Natatawang bungad ni Stone sa kanya ng dumating siya sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Jhon.
What's this?" Iritadong tanong niya ng bigla siyang bigyan ng basong may laman.
"Drinking celebration for your comeback buddy." Simpleng sagot ni Spike.
"I agree! After that three fvcking long years. Nagpakita ka din sa barkada. So let's drink to celebrated your comeback. Sabayan natin si Kevin, mukhang broken hearted ngayon." Natatawang biro ni Jace na nakatingin sa binatang parang gusto nang laklakin ang lahat ng alak na nasa mesa, at saka uminom na din. Nagsunuran na dito yung iba pwera lang kay Jhon na mataman paring nakatingin sa kanya.
"So how are you buddy?" Seryosong tanong ni Micko sa kanya.
"Naka move-on ka na ba?" Biglang baling ni Reed sakanya.
Nang marinig ang sinabi ng kaibigan saka naman parang tubig na biglang bumalik sa isip niya ang dahilan ng lahat, parang gustong magwala ng puso niya. Three years ago halos madurog ang puso niya dahil sa nag-iisang babaeng minahal niya na magpa-hanggang ngayon mahal pa din niya.
Hindi na niya nasagot ang tanong ng kaibigan ng bigla siyang napatingin sa entrance ng bar. Bigla niyang nahigit ang hininga ng pumasok ang isang babae, bigla siyang napakurap baka sakaling namamalikmata lang siya. Maganda kasi ang babae at napaka sexy. The girl was wearing a black tube top dress and strappy high-heeled sandals. The woman was like a goddess, bigla siyang napagalaw sa kinauupuan ng magreact ang kaibigang nasa ibaba ng pantalon niya sa simpleng pagtingin lang sa magandang dalaga.
"Maganda diba?" Napatingin siya sa kaibigan ng marinig ang boses nito.
"Yes," wala sa sariling sagot niya sa kaibigan. "Madalas ba siya dito?" Bigla siyang lumingon dito. Tumango ito.
"Do you know her?" Tanong niya ulit dito.
"Hindi mo ba siya nakikilala?" Balik tanong nito sakanya.
Umiling siya dito saka muling tumingin sa direksiyon ng babae. She was surrounded by a group of male and female at masayang nakikipag-usap biglang kumunot ang noo niya ng mapansing parang pamilyar sa kanya ang dalaga lalo na ang mukha nito, pero hindi niya maalala kung saan niya ito unang nakita.
"Should I know her?" Tanong niya ulit sa kaibigan.
"She's Lorieviel Athena Falcon." Sagot ni Jhon sa tanong niya.
Hindi makapaniwalang muli niyang ibinalik ang tingin sa babae habang pinipilit niyang kompirmahin ang sinabi ni Jhon. Malabong maging isa si Lorie at ang babaeng nakikita niya ngayon. Magkaibang-magkaiba ang katauhan ng mga ito.
Lorie was the simple, silent type and nerdy girl i met way back in college days. "Si Lorie lang din naman ang babaeng mahal na mahal mo." Paalala ng isip niya.
Biglang tumigil ang mundo niya ng lumingon sa side nila ang dalaga at doon niya lang nakumpirmang tama ang sinabi ng kaibigang si Jhon. Ang pamilyar na brown eyes nito na pagtumingin ka para kang hinihipnotismo.
[LORIE]
LORIE GIRL over here! Sigaw nila Jane, Freya, Elena, Fatima and Veronica sa kanya ng maka pasok siya sa blue lion bar. Isa siyang sikat na elite bar ngayon of course, kaya madali lang itong tandaan at hanapin. Since ito ang first party niya mula ng maka balik siya ng pilipinas. Nakilala niya ang mga ito sa Coronado, California, magkaka-ibigan ang mga ito at naging kaibigan na din niya simula ng lumipat siya sa Mommy niya three years ago.
Nasa mainit na sila ng kumustahan ng maramdaman niyang parang may nakamasid sa kanya. Binaliwala niya lang yun, hindi rin maiwasan ang mga lalaking nagpapalipad ng hangin sakanya. Sabagay sanay naman siyang makarinig ng mga papuri mula sa mga ito, ngunit hindi na siya nagpapadala sa mga sinasabi nang mga ito. Nadala na siya. Hindi mapagkakatiwalaan ang salita ng mga lalaki ngayon, pare-pareho lang silang lahat sasabihin nila ang lahat ng magagandang salita makuha lang ang gusto.
Minsan na siyang nagkamali sa isang lalaki at hindi na mauulit iyon. Binigay na niya ang lahat-lahat sa lalaking minahal niya pero ang sinukli lang sakanya ay pasakit, dinurog nito ang puso niyang tanging kasalanan lang ay magmahal ng wagas dito. Kaya ang laki ng pasasalamat niya sa mga babaitang ito na nagturo sa kanya kung paano ang lumaban at makipaglaro.
Three years ago noong nasaktan siya, lumayo para makalimot ilang linggo din siyang umiyak nun dahil sa pagkawasak ng puso niya until one day nagising na lang siya, at pinangako sa sarili na hindi na siya muling magpapakabaliw sa isang lalaki. That day nang nag pamake-over siya, nakilala niya si Freya ang may ari ng salon na pinuntahan niya para magpaganda. Mabilis naman natapos ang make-over sa kanya at mula nga sa pagiging nerdy girl nagtransform siya bilang isang magandang dalaga na kababaliwan ng mga kalalakihan thanks to Freya.
Muli niyang tiningnan ang mga lalaking nakapalibot sa kanila their topic was started to bored at her, nagpapaligsahan lang naman ang mga ito para makuha ang atensiyon nila. Nilibot nalang niya ulit ang paningin sa paligid ng bar and her world seemed to stopped nang makita niya ang pamilyar na berdeng mata nang isang taong siyang dahilan ng lahat ng ito. So he's finally back, Spade Ivan Cuevaz the green eyed devil who broked her heart into a tiny pieces.
Biglang bumalik sa isip niya lahat ng nangyari sakanilang dalawa ng binata. Mabilis niyang ipiniling ang ulo para maging klaro ang kanyang isip. Three years ago after that night. She left the country dala-dala ang puso niyang sugatan, lumabas siya ng bansa at tumira sa mommy niya na nakabase na sa Coronado, California kasama ang iba nilang kamag-anak. She stayed there for almost three years. Sa lugar na yun pinilit niyang makalimot, magbago at pinilit niyang magmove-on. Pinilit niyang matutunan ang mabuhay ng hindi nasasaktan at lumalaban. Sa California, natutunan niya kung paano makibagay sa mga tao lalong-lalo na sa mga lalaki. Ang masakit na karanasang dinanas niya ang nagturo sa kanya kung paano makitungo sa mga ito.
For a years after she change she date so many men. Men's are come and go but she never gave herself to anyone. Masyado na niyang mahal ang sarili niya para ipagkaloob niya pa ang katawan niya sa kung sinong lalaki lang. Nang bumalik siya sa pilipinas dahil sa negosyong itatayo nila ng mga bff's niya ayaw pa nga sana niyang payagan ng mommy kundi lang pumunta mismo ang bestfriend niyang si Rain sa bahay nila sa California malamang di pa siya pinayagan bumalik dito. Kaya sinigurado niya na sa pagbabalik niya ibang-iba na siya sa dating Lorie na nakilala ng mga tao noon. Naging maayos naman ang lahat sa buhay niya until now, ngayon na bumalik na pala siya dito.
Naglakad siya palapit dito saka nakangiting binati ito. "Hi, Spade. Long time no see."
Natigilan ito. "H-hi, Lorie. You've changed." Sabi nito sakin na parang may disgusto sa tono.
Nagkibit balikat lang ako. "So they say. Hello guys, how are you?" Tanong niya sa mga kaibigan nito. "Jhon, a glass of margarita, please." Baling niya sa may ari ng bar.
"Umiinom ka na din ngayon?" He asked.
"Like you said, I've Change." Sagot niya dito.
Nang uminom ito ng alak sa baso nito, bigla siyang napatingin sa kamay nito, wala pa rin itong suot na singsing. "Not married yet?" Tanong niya sa binata.
Ngumiti lang ito. "Not yet. Still waiting for the right one." Sabi nito habang nakatitig sa mata niya.
Suddenly, she felt her heart jump. "Wait! What was that?" She asked her self in her mind. "Still waiting for the right one or just afraid to settle down?" Pagbibiro niya dito.
Tumawa ito. "Magaling lang talaga magtago ang babaeng hinihintay ko mula noon. Pero pasasaan ba at makikita ko din siya." Makahulugang sagot nito.
Napangiwi siya sa narinig tila may kumurot sa bahagi ng puso niya. "Ikaw ba ang Spade Cuevaz na kilala ko? You sound corny, men." Natatawang biro niya dito. "I don't think I know you it all."
He smiled at me flirtatiously. "How about we get to know each other again?" Anito.
Natawa siya sa sinabi nito. "Are you flirting with me?"
"What if I am?"
Tumawa na siya dito. "Now I'm beginning to believe, your really the Spade Cuevaz I know."
Nawala ang ngiti sa labi nito. "Lorie, about what happened---"
"Stop there, Spade. Lets not bring up the past, okay?" Putol niya sa sasabihin nito.
"But--"
"Please? Lets just act like it will never happened. Masaya na ako kung ano ako ngayon. Mukha namang masaya ka na din. So lets leave it behind, okay." Sabi niya dito.
Napabuntung hininga ito. "Okay so how are you?" He asked.
"Oh i'm fine. Having the time of my life. How about you? How many conquest?" Tanong niya sa binata.
He laughed. "You make it sound like I'm some kind of a heartless playboy." He said.
Hindi nga ba? I wanted to say to him but I laughed instead. "I didn't mean it that way. So how are you? Where have you been in the past years?" I asked him casually.
"Just fine. I'm based in France. The business there needed my attention. Nagbabakasyon lang ako ngayon, pero mukhang magtatagal na yata ako dito." Sagot nito.
"Oh, I see. Who manages your business here then?" Tanong niya ulit dito.
"My father and brother."
"You have a brother?" Takang tanong niya dito. Hindi niya nabanggit sakin noon na may kapatid pala siya.
"I do and a sister."
"How did you end up in France? Bakit pala ikaw at hindi ang isa sa mga kapatid mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"I volunteered! I need some place to stay so I grabbed the chance. Naisip ko kasi kung nasa malayo ako baka sakaling makalimutan ko ang sakit. How about you? Are you married or still single?" Sabi nito.
"Why I need to settle for one, when you can have plenty, right?" Pabiro niyang sagot.
Malungkot na tumitig ito sa kanya. "Have I made you like this. Love?" He said softly, his green eyes full of loneliness.
Natigilan siya sa sinabi nito at tumalim ang titig niya sa mga mata. "Don't give yourself so much credit Spade. I wanted this change. I made this change, not because of you." Sabi niya dito saka niya ito tinalikuran at umalis.
Habang naglalakad siya palabas ng bar, naramdaman niyang unti-unting bumabalik ang lahat nang sakit na pilit niya lang tinatago sa loob ng maraming taon kasabay ng pagtulo ng luha niya. Bakit ba kasi bumalik pa siya. Bakit ba nasasaktan pa din siya hanggang ngayon dahil ba mahal na mahal niya pa din ito sa kabila nang lahat ng ginawa nito sa kanya.