[LORIE]
KATEXT NIYA ang bestfriend na si Rain, habang papunta siya sa locker room nina Spade. Katatapos lang ng basketball game nila as usual sila na naman ang nanalo. Gusto niya sana sorpresahin ang binata, pero mukhang siya yata ang masosorpresa sa mga maririnig niyang paguusap ng magkakaibigan. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig niya ang katotohanang pinag pustahan lang pala siya at palabas lang lahat ng pinakita ni Spade sa kanya.
"Bro, we heard girlfriend mo na daw si Lorie, nailed her dude." Boses ni Jin ang pinaka bestfriend nito.
"Shut up, Jin." Galit na sabi ng binata.
"But dude your time is running out." sabi ni Micko.
"Hanggang bukas na lang ang palugit ng dare game natin sayo." Dugtong na sabi ni Jhon sa sinabi ni Micko.
"Seems like the green eyed devil has lost his charm. Have you fallen for her? Is the dare off? Okay lang naman samin kung di mo na kayang ituloy" Sigunda ng isa pang kaibigan nito.
"Shut up, Bato. The answer is no, tuloy ang dare natin." Madiing sabi nito.
"Dude. Your rolex collection will---" Pinutol niya ang sasabihin sana ni Jin. "I said no, a deal is a deal." Galit na sabi nito sa mga kaibigan.
"Bet isa lang siyang hamak na pustahan sa laro ng mga ito." Napaiyak nalang siya habang naglakad paalis sa room hindi na niya kayang pang pakinggan ang pinag-uusapan nang mga ito. Masyado nang masakit sa dibdib ang mga narinig niya, patakbo na siyang umalis sa lugar na iyon. So tama ako sa simula palang ng paglapit niya sakin. Bakit ba ako masyadong nagpadala sa kanya. Rolex watch collection? Mapaklang siyang napangiti sa gitna ng pagluha. Si Spade ang pinaka importante sa kanya pero sad to say para sa binata mas mahalaga pa ang expensive watch nito.
SUMMER EMERALD BUILDING, pinuno niya muna ng hangin ang dibdib niya bago siya bumaba nang sasakyan, nandito siya ngayon sa harap nang condo unit nito. I knew his family had a house somewhere in manila but he choose to stay in a condo near the school. Ngayon niya lang naisip. Kahit minsan hindi pa siya nakarating sa bahay ng mga magulang. Ngayon alam na niya kung bakit. Bakit nga naman siya nito dadalhin at ipapakilala sa mga magulang nito kung isa lang pala siyang object sa laro ng mga ito.
Muli nararamdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata kaya sinaway niya ang sarili niya tama na ang pag iyak. Tapos na ang pagkaawa niya sa sarili niya ngayong araw na ito tutuldukan na niya ang lahat kahit masakit. Today would be the last day of their dare she would giving Spade what he wanted. Katangahan mang masabi pero hindi niya kayang biguin ito. If those rolex would make him happy she would willingly let him keep those things, kahit kapalit nun ang pagkawala ng isang bagay sa kanya. Ganun niya kamahal ang binata kaya kahit sa huling pagkakataon gusto niya itong makasama. Umakyat na siya sa six floor kung saan naroon ang unit ni Spade at nag doorbell. Nang buksan nito ang pinto mahigpit siya nitong niyakap muli parang gusto niyang umiyak. Would she live through knowing that she will never feel this strong arms arround her again after this night.
"Where have you been Love?" He asked me with concern in his voice. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko sayo?"
"Don't ask."Saka siya na ang unang humalik sa binata.
Sinagot nito ang mga halik na pinagkaloob niya, at nang makabawi na ito ay tinapos nito ang halikan ilang dalawa. "Love, what's happening?" Nalilitong tanong nito sakanya.
Marahan siyang lumayo dito saka nanginginig ang mga kamay ng simulan niyang buksan ang butones ng suot niyang damit. Biglang hinawakan ni Spade ang mga kamay niya. "What are you doing?" Naguguluhang tanong nito.
"Dont you want me, Spade." She asked him softly. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob ngayon.
"I want you, but its not that---"
"Stop thinking, Spade just feel." Sabi niya dito saka tuluyang hinubad ang suot na damit. Sinunod na niyang tanggalin ang pantalon niya nakita niyang bigla itong napalunok ng laway. When i reached for the clasp of my brassiere, I heard him groan bago pa siya nakareact agad na siya nitong hinalikan na parang wala ng bukas.
Hindi niya alam kung paano sila nakarating sa loob ng kwarto nito, naramdaman na lang niya ang pagiisa ng katawan nilang dalawa. Halo halong emosyon ang naramdaman niya ng mga sandaling ito. Happiness, dahil finally nabigay na niya sa lalaking pinakamamahal ang tanging bagay na iniingatan niya at sadness dahil maaring ito na ang huli nilang pagkikita.
Niyakap siya ng binata matapos ang pagiisa ng katawan nila. Minsan gusto na niyang isipin na mahal din siya nito pero alam niya ang totoo. Isa lang itong laro para sa binata. Pinikit na lang niya ang mga mata at nagkunyaring tulog para hindi siya nito makausap pagkatapos ng nangyari s kanilang dalawa. She feared that she would break down right now at hindi niya hahayaang mangyari yun. Gusto niyang umalis sa buhay nito na may respeto pa siya sa sarili niya, pagkatapos ng huling pabor na ito lalayo na siya ng tuluyan dito.
Nang maramdaman niya na pantay na ang paghinga nito tanda na tulog na ito, inabot niya ang cellphone nito saka bumuo ng text message sa group nito.
"Dare's done." She typed and sent it.
Mabilis ang mga itong nagreply pero isa lang ang laman "We need proof. We're coming over." Hindi na niya ito sinagot inaasahan naman niya ang bagay na yun. Ibinalik nalang niya ang cellphone nito sa dating kinalalagyan saka muling bumalik sa pagkakahiga sa paraang nakasubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito at nakatalikod sa pinto. Hinanda na niya ang sarili sa pagdating ng mga kaibigan nito.
Hindi naman nagtagal ay narinig na niya ang pagtunog ng doorbell sa unit nto. Narinig niya din ang mahinang pag mumura ni Spade saka marahan itong lumayo sa kanya at bumangon. Naramdaman pa niya ang marahang pag halik nito sa ulo niya bago ito lumabas ng kwarto. After a few minutes narinig na niya ang boses ng mga kaibigan nito. "What are you all doing here?" She heard Spade irritated but controlled voice.
"We have to see." Sabi ng isang boses.
Naririnig niya din ang mga tinig at yabag na palapit sa pinto.
"f**k! You have no bussiness here?" Galit na sabi ni Spade sa mga kaibigan nito.
"Wag kang killjoy bro."
She heard the door open sabay sabay na napa- "Ohh" ang mga kaibigan nito.
"Get out." Dinig niyang kontroladong sigaw ni Spade, bago kinabig pasara ang pinto.
Tears started spilling from her eyes. She was thankful that it take a minute before Spade came back in the room. Kontrolado na niya ulit ang emosyon niya nang mahiga ito sa kama. Muli siya nitong pinaloob sa mga bisig nito. Mabuti nalang at nagkukunyari siyang tulog baka kasi bigla nalang tumulo ang mga luha niya at maramdaman nito yon. Mas okay na ang ganito at least makaka alis siya ng wala nang aalalahanin pa.
Mahigit isang oras na din nang napagpasyahan niyang umalis. Dahan dahan siyang tumayo at nagbihis. Nang maayos na niya ang sarili muli niya itong nilapitan and for the last time hinalikan niya ito sa labi. Nagiwan nalang siya ng sulat para hindi na siya nito hanapin pa. "Goodbye, Spade. Masyado lang kitang minahal ng sobra sobra, na kaya kung gawin ang lahat para sayo. Sana sa pagalis ko maging masaya ka. Balang araw kung papayag ang tadhana na muli tayong magkita sana wala na ang sakit na binigay mo ngayon." Hinalikan niya ito sa noo, bago siya tumalikod palabas ng kwarto nito maging sa buhay nito. Huling sulyap pa ang ginawa niya dito ng marating niya ang pinto ng kwarto nito. "Be happy." Bulong niya sa hanging habang nakatingin sa binatang mahimbing padin na natutulog saka tuluyang umalis.