KING HECTOR'S POV PAGPASOK na pagpasok ko pa lang ng gate ay agad akong sinalubong ni Cris-ang guwardiyang nagbabantay sa gate. "Umalis po si Ma'am, Sir," pagbabalita agad nito. Napatiim bagang ako sa narinig saka marahas na napabuntong-hininga. Binilinan ko kasi si Cris na sabihan ako kapag lumabas si Clementine. Hindi naman na siya lumalabas mula nung ipinagbawal ko kaya parang nakampante ako. Pero pa rin makasiguro, ibinilin ko siya kay Cris kapag wala ako. Siyempre may araw din kasi na may mga lakad ako at ang mga royal guards ko. Kaya hindi mababantayan si Clementine. "Saan sa tingin mo siya nagpunta?" Nang mga oras na yon talagang nagpipigil ako nang galit. "Sabi ni Eliseo sa mansyon daw po ni Sir, Brando. Tinanong ko po kasi siya bago sila umalis." Lalo lang tumindi ang galit

