CLEMENTINE'S POV "DITO na po tayo," malakas na sabi nang kutserong na huminto sa tapat ng isang lumang bahay. Bumaba na din kami ni Leila. Lumapit ito sagalit sa kutsero at kinausap ito. Medyo malayo din dito. Hindi ko alam kung makakabalik ba ako nang palasyo bago dumating si King Hector. Pero sabi ko nga, bahala na. Minsan lang yong pagkakataong ganito. Sa susunod sigurado hindi na ako makakalabas. Kaya habang malaya, hindi ko sasayangin ito. Nagpalinga-linga ako. Halos walang bahay sa paligid. Parang nasa liblib ang lugar na ito. Pagkatapos kausapin ni Leila ang kutserong naghatid sa amin ay umalis na din ito. "Babalikaan niya tayo maya-maya," sabi ni Leila nang makalapit ito sa akin. "Bilisan natin, ha. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman ni King Hector

