CLEMENTINE'S POV MULA sa bintana nang library ay natanawan kong papalabas sina King Hector at Renzo sa gate. Tila may pupuntahan yata ang mga ito dahil mga nakabihis naman. Pagkakataon ko na ito. Nung isang araw ko pa kasi gustong puntahan si Leila. Gusto ko kasi siyang kamustahin at kausapin na din. Tapos ko naman na yong mga trabaho ko. Hindi naman ako maglalaba ngayon dahil kakalaba ko lang kahapon. Agad akong lumabas sa library at nagtungo sa kuwarto ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis at makapag-ayos ay agad akong bumaba at hinanap si Eliseo. Natagpuan ko siya sa garden at tinutulungan ang hardinero sa pagtatanim. Agad silang yumuko nang makita ako. "Ano pong maipapaglilingkod namin Ma'am?" magalang na tanong ni Eliseo. "Ihatid mo ako sa bahay ni P

