KING HECTOR'S POV BIGLA ko tuloy naalala si Aurhea. Ilang buwan na itong nawawala. Sa totoo lang kinakabahan na din ako. Baka mamaya kung ano nang nangyari sa kanya. Magiging pananagutan ko talaga siya kung sakali. Kung bakit bigla na lang itong nawala ay isang malaking katanungan pa rin talaga sa akin. Malaking problema kapag hindi na siya bumalik. Hindi naman puwedeng ikulong ko dito sa Westeria si Clementine habang buhay para lang magpanggap. Haays! Ang sakit talaga sa ulong mag-isip. Marahas akong napabuntong hininga. Napadako ang tingin ko sa mukha Clementine. Putlang-putla talaga ito. Yong labi niya nawalan na nang kulay. Ngayon ko lang natitigan ng maayos ang mukha niya. Aminin ko man o hindi, maganda din ito. Hindi ko lang kasi napapansin at nauuna ang galit ko sa kanya tuwing

