KING HECTOR’S POV NASA undergroung cellar kami nang mga oras na yon kasama si Renzo at ang ibang mga tauhan ko. Ipinapabugbog ko sa kanila ang lalaking nahuli nila na siyang nagsusuplay ng opium sa bayan. Ipinapapiga ko at baka mamaya may makuha pa kaming impormasyon sa kanya. Bukod sa mga tulisan, sigurado may iba pa itong kasabwat. At yon ang gusto kong malaman. “Ang tigas talaga nang bungo, Sir. Ayaw magsalita,”naiinis na sabi ni Renzo. Kahit bugbog sarado na kasi, nananatiling tikom pa rin ang bibig nito. Halatang may pinoprotektahan talaga itong pangalan. Nagngingitngit tuloy akong nanunuod. Mayamaya’y tumayo ako at lumapit sa lalaki lalaking nakatalik sa upuan. Ilang beses ko siyang pinagsusuntok sa sikmura sa sobrang galit ko. Lulumpuin ko talaga itong hayop na ito hangga’t hind

