CLEMENTINE'S POV NAPAHAGULHOL na akong nagkukuwento Leila. Pati ito’y maluha luha na rin. Hindi niya siguro akalin na ganun ang pinagdaanan ko dito. “Ano bang nakain mo at ginawa mo yon? Hindi mo ba naisip na matitiklo ka lalo na kapag bumalik yong totoong Queen,” maluha-luha at nag-aalalang nitong sabi. “Wala akong choice, e, Kahit sguro ikaw din, gagawin mo din ang ginawa ko para lang mabuhay dito ”mahina ang boses na sabi. “Naku! Paano ka na lang kapag natiklo ka? Sabi mo pa naman mainit ang dugo sayo ni King Hector.” Napahawak ito sa noo na tila namomoblema sa ginawa ko. Nakonsensiya tuloy ako. Ngayon pa lang kami nagkita tapos problema na agad ang ibinigay ko sa kanya. Pati pa siya idadamay ko sa kalokohang ginawa ko. Umiling ako. “Bahala na.” “Anong bahala na? Hindi mo ba alam

