CLEMENTINE’S POV KATATAPOS ko lang kumain ng mga oras na yon. Kadalasan mag-isa lang talaga akong kumakain. Pero minsan nakikisabay ako sa mga tagapagsilbi sa palasyo. Sanay na sila sa akin kaya hinahayaan na lang nila ako. Alam naman kasi nila ang sitwasyon ko. Naaawa din sila siyempre sa akin. Lalo na nung mabalitaan nilang pinagbuhatan ako nang kamay ni King Hector. Pero anong magagawaa nila? Tagapagsilbi lang naman sila. Alangan namang kalabanin nila si king Hector dahil lang sa akin? Diyos ko! Baka kapalit nun buhay nila kapag ginawa nila yon. Sa totoo lang mahirap din kasi talagang humain ng mag-isa. Nakakawalang gana din. Minsan parang di ko na nga malunok yong kinakain ko. Kaya ang ginagawa ko nagtitimpla na lang nang kami minsan at hindi na kumakain. Hindi ako nakikisabay kuma

