Chapter 7 Halos mapugto ang hininga ni Aliah nang abutin ni Krish ang natitirang distansya ng kanilang mga labi. Gusto lang naman sana niyang maligo pero hindi niya alam kung bakit ngayon ay nakuha na ang ini-ingatan niyang first kiss. Gusto niyang itulak ang binata ngunit mayroong parte niya na gusto rin ang ginagawa nito. Parang mayroong kuryenteng lumabas sa bibig ng binata at dumaloy sa buong katawan niya. Pakiramdam niya ay mayroong nagkakarerahan sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagtibok n’yon. Napakapit na siya ng mahigpit sa batok ng binata kaya lalo tuloy itong nasubsob sa kanya. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang gumalaw ang labi ng binata. ‘Aliah!’ Pinilit niyang igalaw ang kamay niya at tinapik-tapik ang balikat nito. Para namang natauhan si Krish. Agad siyang nagmu

