Chapter 5

2632 Words
Chapter Five Dalawang araw makalipas ng tumira si Aliah sa bahay ni Krish. Naging maayos naman ang kanyang lagay roon, maliban lamang sa mas sumakit ang kanyang balakang dahil sa nangyari sa kanya sa hagdan. Kaya naman ay nakahiga lang siya ngayon sa kama ni Krish. Sa tuwing may kailangan siyang gawin kagaya ng pagpunta sa banyo ay tinutulungan pa siya nito. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya dahil sa ginawa nito. Pero mabilis naman nawawala dahil iniiwanan lang siya nito sa banyo. Mas dumami tuloy ang mga nireseta sa kanyang gamot dahil sa nangyari. Naging madali naman ang pagpapaalam niya sa kanyang ina. Tinulungan kasi siya ni Carl, ito ang kumuha ng mga gamit niya sa kanila. Ito na rin ang nagpaalam na isasama siya nito sa probinsya nila para magbakasyon. Noong una ay umayaw muna ang kanyang ina dahil nga hindi siya mismo ang nagpaalam. Pero dahil nga si Carl ang nagpaalam at matagal na niya itong kaibigan ay pumayag na rin ito. Idagdag pang palagi siyang tumatawag na sa kanyang ina. Malaki ang unit ni Krish para sa kanya lang magisa. Iisa lang ang kwarto roon ngunit malawak pa iyon. Manghang-mangha si Aliah sa tema ng kwarto nitong kulay itim at puti at sa ikalawang palapag pa sa loob ng silid. Sa itaas kasi ng kama ni Krish ay mayroong ikalawang palapag, sa may ulunan ng kama at mayroong hagdan papunta sa itaas. Base sa repleksyon mula sa salamin na pinto ng terrace ay ito ang nagsisilbing opisina ng binata. Nakikita niya kasi mula roon ang computer at mga papel nan aka-stock sa lamesa. Doon naglalagi si Krish ngayon na siya ang naglalagi sa kama nito. Habang nagmumuni-muni si Aliah ay nakaramdam siya ng p*******t ng pantog. Manhid pa rin ang kanyang balakang papunta sa ibaba pero medyo na igagalaw na niya ito. Kaya naman ay sinubukan niyang tumayo. “Ouch…” napangiwi siya nang dumalahit ng sakit ang kanyang balakang. Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa si Krish. “Hey? Where are you going?” Nilingon ito ni Aliah. Muli siyang napaupo sa kama habang sapo sang balakang. “M-Mag babanyo sana ako.” “Oh, I will help you.” Lumapit si Krish kay Aliah at akmang kakargahin na ang dalaga. “Teka!” “Bakit?” kunot ang noong tanong ni Krish. “Akala ko magbabanyo ka?” “Wala pa rin ba yung wheelchair?” Nangako kasi itong hihiram ng wheelchair sa ospital para mayroon siyang nagagamit kapag wala ang binata. “Ahm… Wala pa. Hindi mo na naman kailangan ‘yon. Tinutulungan naman kita?” “Eh kasi…” nag-iwas ng tingin si Aliah kay Krish. “Natutuwa ka na kasi kaka-chansing sa akin, eh.” Ikinunot niya ang kanyang noo at humalukipkip. Pilit na iniiwasang mailang sa binata. Napaawang naman ang bibig ni Krish at hindi makapaniwalang tiningnan si Aliah. “What did you say? Tinutulungan na nga kita tapos minamasama mo pala?” Kinagat ni Aliah ang likod ng kanyang labi. “M-Malay ko ba kung pinagnanasaan mo na pala ako, ‘di ba?” Agad na nagdilim ang mukha ni Krish dahil sa sinabi nito. “Kung ganon pala, then go to bathroom and do your thing.” Tinalikuran na niya ang dalaga. Baka kung ano pa ang ibang isipin nito. “Huy teka!” Hinawakan ni Aliah ang braso ni Krish. “Sorry na, nagbibiro lang naman eh.” Inis na nilingon ni Krish ang dalaga. Nakangiti na ito sa kanya-mali, nakangiwi ito at pilit na ngumingiti. “You can do it. Go.” “Joke nga lang! Buhatin mo na ako! Lalabas na ihi ko eh!” Iminuwestra niya ang dalawa niyang kamay na para bang batang nagpapakarga. Bumuntong hininga muna si Krish bago pabiglang kinarga si Aliah. Napaigik tuloy ang dalaga dahil sa ginawa niya. “Dahan-dahan naman!” Napakapit bigla si Aliah sa leeg ni Krish at dahil sa nangyari ay hindi niya namalayang napalapit na pala ang mukha niya sa mukha nito, halos isang pulgada na lang ang layo n’yon sa kanya. Sandali silang nagkatitigan dahil inayos pa nito ang pagkakabuhat sa kanya. Napangisi ng kaunti si Krish nang makita niyang napatitig sa kanya si Aliah. Nanlalaki ang mga mata nito at bahagya pang nakaawang ang bibig. Lalo siyang napangisi nang ibinaba nito ang tingin sa mga labi niya kasabay ng pagikom ng labi nito. “So sino ang nagnanasa sa atin ngayon?” sarkastong sabi niya. Para namang natauhan si Aliah sa sinabi ni Krish. Sinamaan niya ng tingin ang binata at bahagyang inilayo ang mukha rito. Lihim siyang napadasal na sana ay hindi nito naririnig o nararamdaman ang pagtibok ng kanyang puso. ‘Bweset na tandang ‘to! Pasalamat ka, gwapo ka!’     “DITO ka na muna. I’ll just cook our breakfast.” Inihiga ni Krish si Aliah sa mahabang sofa niya sa sala. Binuksan niya ang LED Flatscreen TV na nakasabit sa dinding at inilapag ang remote sa lamesa malapit kay Aliah. Saka naglakad na papunta sa kusina. Kagaya sa kwarto ay black and white din ang tema ng sala at kusina ni Krish. Simple man ang desenyo ay mababakas pa rin na mayaman ang may-ari n’yon dahil sa mga gamit. Isang tingin lang ni Aliah ay alam na niyang mamahalin ang mga gamit na andoon. Sa ilalim ng malaking tv ay mayroong pahabang speaker na nakadikit din sa dingding. Sa ilalim n’yon ay isang maliit na cabinet na mayroong mga nakalagay na mga DVD video tapes, na hindi niya alam kung para saan ba dahil wala naman siyang nakikitang DVD player doon. Ang mahabang sofa na hinihigaan ngayon ni Aliah ay nakatalikod sa kusina. Sa ulunan niya ay ang pinto palabas at sa may paanan naman niya ang salamin na pinto rin papunta sa terrace kagaya sa kwarto. Mayroon pang dalawang pangisahang sofa at nakapwesto sa magkabilang parte ng mahabang sofa. Bahagyang inangat ni Aliah ang katawan at sinilip si Krish. Nakatalikod ito sa kanya at kasalukuyang may hinahalo sa tapat ng kalan. Hindi niya maiwasang mamangha habang pinagmamasdan niya ang likuran nito. NakaT-shirt ito na puti at dahil fit sa kanya ang suot ng damit ay nagpi-flex ang mga muscles nito, halatang batak sa gym. Kada galaw nito ay naguumbukan ang mga muscles nito sa braso at sa may likuran. ‘Ang umbok pala ng pwet si Sir,’ aniya sa kanyang isipan. ‘Pak na pak din siguro ang maskels nito?’ Napapangisi siya habang ini-imagine ang itsura ni Krish ng walang damit. ‘Ilang abs kaya ang meron? Apat? Anim?’ Muli siyang nahiga dahil sa nakaramdaman na niyang nag-init ang kanyang pisngi. Alam niyang matanda ito sa kanya ng ilang taon, pero kung ito naman ang magiging kasintahan niya ay hinding-hindi siya magrereklamo. Aba? Walang wala ito ang katawan ni Jake Cuenca sa katawan ni Krish. ‘Ayy! ‘Di ko ibe-break ‘to kapag maging jowa ko ‘to! Kanin na lang ang kulang may ulam ka na!’ Muli sana niyang sisilipin si Krish pero halos maghiwalay na ang katawang lupa niya at kaluluwa nang bumungad sa kanya salubong na kilay ni Krish. Nakakrus ang dalawang kamay nito sa may dibdib at mataman siyang tinitingnan. “Sir!” gulat niyang tawag dito habang sapo-sapo ang dibdib. “Ano’ng ginagawa mo r’yan?” “I’m done. Let’s eat.” “O-Okay.” Binuhat na siya ni Krish at dinala hapag kainan sa may likuran lamang ng sofa. Nakahain na rito ang umuusok pang fried rice. Mayroon ding hotdog at sunny side up egg na nakahain. “Milk?” tanong nito at muling bumalik sa kusina para magtimpla. “3n1 na lang po.” “Ha?” Nalilitong tumingin si Krish sa kanya. “3n1? Wala ka pong kopiko brown?” Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Krish. “Nagtitinda ka ng kape pero hindi mo alam ang kape ng mga kagaya namin?” Bumuntong hininga si Aliah. “Kahit ano na lang po basta kape.” Napapailing na lang si Krish dahil sa mga sinasabi ni Aliah. Oo nga’t may-ari siya ng isang coffee shop, pero hindi naman sila nagtitinda ng mga processed at may halo. Lahat ng kape nila ay puro. Matapos niyang magtimpla ay muli na siyang bumalik sa lamesa at nagumpisa na silang kumain. Panaka-naka niyang tinitingnan si Aliah na pangiti-ngiti pa habang ngumunguya. “Ang sarap ng luto mo sir! Lalo na ‘tong hotdog mo, ang sarap!” Sunod-sunod na napaubo si Krish. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Alam mo po kasi, kapag si mama ang nagluluto ng sinangag, palaging matabang. Kung mayroon mang lasa ay naku, napaka alat naman.” Itinaas ni Aliah ang hotdog na nakatusok sa tinidor. “Alam mo itong hotdog? Kung hindi hilaw pa, sunod naman. Ang sarap ng hotdog mo.” Inisang lagok ni Krish ang isang basong tubig niya. Pakiramdam niya kasi biglang nagbara ang mga isinubo niyang pagkain. Hindi niya kasi inasahan ang mga sinabi ni Aliah. “Alam mo, bakit hindi restaurant ang itinayo mo?” tanong ni Aliah. Hindi na niya pinigilan pa ang pagiging madaldal niya dahil baka kung ano na naman ang maisip niya kapag mamayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. “I love coffee.” Napatango-tanog si Aliah. ‘Tipid naman nito.’ “Eh. Wala ka talagang kasama rito?” “Mukha bang meron?” “Bakit wala ka pang asawa? Ilang taon ka na po ba?” “Why ask?” “Ahh… wala naman. Kasi, ‘di ba dapat may asawa ka na? Alam po kasi sir, sa batch namin nila Carl, kaming dalawa na lang ang single. Twenty-three pa lang kami ha? Yung iba mas bata pa sa amin.” “Not because I’m in my thirties, I’m not allowed to be single.” “Eh bakit nga po? Gwapo ka naman. Macho. Kung ako liligawan mo, sasagutin kita agad,” wala sa sariling sabi ni Aliah. Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Krish. “Why would I? Kung kasing daldal mo lang din naman ang magiging girlfriend ko ay h’wag na. And besides, hindi ako pumapatol sa mga bata pa.” ‘Ouch.’ Kahit na napahiya ay buong kompyansa niyang sinalubong ang mga tingin ng binata. “Hindi boring ang mga kagaya ko sir. Tsaka, sigurado ka na d’yan ha? Walang sisihan kapag main-love ka na lang bigla sa akin.” Bahagyang napatawa si Krish at umiling-iling. “I don’t have time with that. May hinahanap pa ako.” Napataas ang kilay ni Aliah. “Hinahanap? Sino?” “A mother and her daughter.” “Oh. So may anak ka na?” Tiningnan lamang siya ni Krish at nagpatuloy sa pagkain. “Sir,” tawag muli ni Aliah. Bigla kasi siyang naging interesado sa sinabi nito. “Uy, may anak ka na sir?” “Stop calling me sir. Wala naman tayo sa trabaho.” “Ha? Eh ano naman ang itatawag ko sa ‘yo? Kuya?” “No.” “Tito?” Sinamaan ni Krish ng tingin si Aliah. “Stop.” “Daddy?” “My God. Stop! Just stop. Sir na lang kung ‘yun ang gusto mo,” iritableng sabi ni Krish at masama ang loob na sumubo ng pagkain. ‘The hell with this girl?!’ “Ito naman, jino-joke ka lang eh. So, ano nga sir? Mag-ina mo yung hinahanap mo?” “Why are you so interested with that? It’s none of your business.” Napatikhim si Aliah at naging malikot ang mata. Hindi niya kasi alam ang isasagot sa tanong nito kung bakit siya interesado roon. Sa totoo lang ay gusto lang naman niya itong kausapin at makilala. “Lumaki kasi akong walang tatay, baka kako ikaw yung tatay ko.” Literal na naibuga ni Krish ang kasusubo niya pa lang kanin at hotdog. “What did you say?” gulat na tanong ni Krish kay Aliah. Napangiwi si Aliah sa nangyari kay Krish. Nagkalat ang mga naibuga nitong kanin sa sahig, may kaunti pa ngang tumalsik sa kanya na mga kanin-kanin. “Sorry?” “I don’t have a kid, okay? Kung ano man yang iniisip mo ay mali ka.” Napapailing na lang si Krish. Uminom muna siya ng tubig bago inumpisahang nilinisin ang nagkalat na mga kanin sa sahig. “Imposibleng maging anak kita.” Tumango-tango si Aliah. “Tama. Imposible,” sang-ayon niya rito. Ayaw na niyang salungatin pa ang sinabi nito dahil baka magalit na ito sa kanya ng tuluyan. Pinanood na lamang niya ito habang nagpupunas sa sahig. Pagkatapos nito ay muli itong umupo sa tapat niya at tinitigan siya ng mariin. Pilit na ngumiti siya rito. “Fine, why don’t you tell me about yourself?” seryosong tanong nito sa kanya. Para itong leong nagbabantay sa pagkain niya kung makatingin sa kanya. “B-Bakit mo naman gustong malaman ang tungkol sa akin? Interview ba ulit ‘to?” Huminga lang ng malalim si Krish. “You told me, lumaki kang walang tatay. Why? Where is he?” Nagkibit-balikat si Aliah. “Hindi ko alam.” “Why? Is he dead?” “Ewan ko Hindi naman kasi nagkukwento sa akin si mama. N’ong huling tanong ko sa kanya, bata pa ako n’on, umiyak nang umiyak hanggang sa inatake na ng hika niya. Kaya ‘di na ako umilit, hindi ko na siya tinanong pa tungkol doon,” paliwanag niya. Ni minsan ay hindi niya nakilala ang tatay niya. Kahit ang itsura nito ay hindi niya alam. Noong bata pa siya ay na iinggit siya sa mga batang mayroong tatay, pero ngayong malaki na siya ay parang wala na lang sa kanya iyon. Siguro ay nasanay na lamang siya at tinanggap na niya na wala talaga siyang tatay. At isa pa, masaya naman siyang kasama ang kanyang ina. Ni minsan ay hindi nito ipinaramdam na may kulang sa kanya. “Oh… I’m sorry.” Biglang nakaramdam ng awa si Krish para sa dalaga. Hindi kasi halata rito na may ganoon itong kwento. “Naku,” ikinumpas ni Aliah ang kanyang kamay. “Wala ‘yon. Sanay na ako.” “Hindi mo manlang naisip na hanapin siya?” “Hindi na. Sapat na sa akin si Mama. Mahal na mahal ako n’on at ganon din ako sa kanya. Hihintayin ko siyang magsabi sa akin.” “Okay, but don’t worry. I assure you you’re not my daughter. I’m just thirty-three at wala pa akong nabubuntis na babae.” “Talaga… kaedad mo rin si Mama. Baka nga ikaw ang tatay ko, sir.” “Will you stop it?” “Sabi ko nga eh, baka magkalat ka na naman,” aniya at sumubo na ng pagkain. Napapailing naman na nagpatuloy sa pagkain si Krish. Hindi siya makapaniwala sa kadaldalan ni Aliah. Kung alam niya lang na ganito ito ay hindi na siya pumayag na tumira ito sa kanya. Mula kasi nang tumira ito sa kanya ay hindi na naging tahimik ang kanyang bahay. Sanay pa naman siyang walang kasama sa bahay dahil matagal nang patay ang kanyang magulang at mga kapatid. Napabuntong hininga siya nang maalala ang mga ito.  Maglilimang taon na noong mawala ang kapatid niya pero hanggang ngayon ay na aalala niya pa rin ito. Muli siyang napatingin sa dalaga. ‘Siguro ay tama na rin na andito ka.’     © Ameiry Savar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD