Chapter Four
“Aakyat tayo r’yan? I mean, pupunta pa tayo sa ikalawang palapag at sa hagdan tayo dadaan?!” gulat na tanong ni Aliah kay Krish. Nakaawang ang bibig niya habang tinitignan ang mataas na hagdan papunta sa sunod na palapag. Nakahawak siya sa railing n’on at nasa tabi naman niya si Krish na namamanghang nakatingin sa kanya.
“Ahh… nope-”
“Hay… buti naman.”
“Actually, sa tenth-floor pa ang bahay ko.”
“Ano?!” Pakiramdam ni Aliah ay kumalas na ng tuluyan ang mga buto niya sa balakang. “Seryoso ka ba? N-Nasaan ang elevator?”
Umiling si Krish. “Elevator is not available now. Sira iyon at kasalukuyan pang inaayos.”
Parang gusto nang himatayin ni Aliah dahil sa narinig. ‘Bakit ngayon pa nasira?!’ Himutok niya sa kanyang isipan. Humakbang nga lang ng tatlo ay kumikirot na agad ang balakang niya tapos aakyat pa siya ng hagdan. Parang gusto na lang niyang umuwi dahil d’on. Maganda ang building na tinitirahan ni Krish dahil replica ito ng Petronas Tower sa Malaysia. Kagaya n’yon ay dalawang building iyon na mayroong mahabang tulay na kumukonekta sa taas. Kaya ang pangalan ng building na ito ay Twin’s Tower Condo Building. Ang kaibahan lamang nito ay nasa thirty floor lang ang meron nito. ‘Pero sira pa rin ang Elevator!’
“T-Teka sir, saan ka pupunta?” Aabutin sana niya ang kamay nito ngunit nasa ikatlong baitang na ito. Bitbit nito ang mga gamot niya.
“Uuwe na? Let’s go,” anito na para bang nakakalimutan ang sitwasyon niya.
“Paano ako?”
Humarap sa kanya si Krish ng nakangiti. “Better start walking if you want to live with me.” Muli ay tumalikod na ito. Naiwan sa ibaba si Aliah na nakangiwi at nakaawang ang bibig.
Pakiramdam ni Aliah ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Kung nakakamatay lang ang titig ay pihadong nangingisay na ang lalaking tinititigan niya ngayon. Sa kanyang isipan ay ilang ulit na rin niya itong inaksak, binaril at kung ano-ano pang karahasan na kanyang na iisip.
“Urgh! Nakakainis ka talagang tanda ka! Papahirapan din kitang damuho ka!” angil niya nang hindi na niya makita ang likod nito dahil nakaliko na ito. Huminga muna siya ng malalim saka hinigpitan ang pagkapit sa railing ng hagdan. Ipinatong na niya ang kanang paa niya sa unang palapag saka dahan-dahang umakyat. “Ahh!” hiyaw niya sa sakit nang makaakyat siya sa unang palapag. Parang isang sako ng bigas ang bigat ng kanyang katawan ngayon dahil sa halos hindi niya maingat ang sariling katawan. Habol ang hiningang niyakap niya ang railing.
“Bweset ka talagang lalaki ka! Ang tanda-tanda na ni hindi manlang marunong tumulong sa mga nakababata sa kanya!” reklamo niya. Pero agad siyang napaisip dahil napagtanto niya rin na dapat ang mas bata ang tutulong sa mga matatanda. “Ah ewan! Basta hindi siya magandang ehemplo! Bweset! Walang puso- ouch!”
Pinalipas niya muna ang pagkirot ng kanyang balakang saka muling sinubukang humakbang paakyat sa ikalawang baitang. Ngunit nung itataas na sana niya ang kanyang kaliwang paa ay biglang dumalahit ng sakit ang kanyang balakang. Dahil doon ay namanhid ang mula sa baywang niya hanggang sa kanyang paa. Hindi niya tuloy naramdaman ang sahig na inaapakan niya kaya para siyang gumewang. Aabutin niya sana ang railing ngunit huli na siya. Napapikit na lamang siya nang mapansin niyang unti-unti na siyang tumumba.
Ngunit imbes na matigas na sahig ang bagsakan niya ay isang malambot at mainit na bagay ang ang naramdaman niya.
“Miss? Okay ka lang?” sabi ng isang baritonong boses. Sobrang lapit n’yon sa kanya kaya na aamoy niya rin ang mabango nitong hininga.
Unti-unting nagmulat ng paningin si Aliah. Bumungad sa kanya ang pabagsak na hugis na mga mata. Kulay tsokolate iyon at binagayan ng ‘di kahabaang pilikmata. “P-Patay na ba ako?” wala sa sariling tanong niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa mga oras na iyon. Sobrang magkadikit ang kanilang mukha. Nakasandig ang likod niya sa dibdib nito. Ang isang kamay nito ay nakapulot sa taas ng kanyang kamay na nakaharang sa kanyang didib. Ang isa naman ay nasa may tiyan niya.
“Aliah! Are you okay?!”
Bumalik ang kanyang ulirat nang marinig niya ang boses ni Krish. Nang lingunin niya ito ay humahangos ito at mababakas sa mukha nito ang pagaalala. Agad na nagdilim ang kanyang mukha nang makita niya ito.
“Ikaw- ahh!” Dahil hindi niya pa rin maramdaman ang kanyang paa ay pakiramdam niya ay muli siyang natumba. Ngunit hindi iyon nangyari dahil yakap-yakap pa rin siya ng lalaking nagligtas sa kanya.
“Ayos ka lang ba?” muling tanong ng lalaki.
Ito naman ang sinamaan ng tingin ni Aliah. “Mukha ba akong okay?” singhal niya rito.
Napangiti lamang sa kanya ang lalaki at inayos ang pagkakatayo sa kanya. Pero napansin ata nito na hindi siya makatayo ng maayos kaya hindi siya nito binitawan. Bigla namang nakonsensya si Aliah sa paninighal niya rito.
“T-Thank you. Pasensya ka na. May isa kasi ritong walang puso at iniwan lang ako rito.” Sinamaan niya ng tingin si Krish.
Bumuntong hininga naman si Krish at tiningnan ng malumanay si Aliah. “I’m sorry.”
“Ahh… ganon ba?” Nagpalit-palit ng tingin ang lalaki kay Krish at Aliah. Ang malumanay na mga tingin ni Krish ay ginagantihan ni Aliah ng matatalas at nakamamatay na mga tingin. “Gusto mo bang ako na ang bumuhat sa ‘yo paakyat? Alam ko kasi sira ang elevator.”
Para namang may humaplos sa puso ni Aliah dahil sa sinabi nito. Pansamantala ay nalimutan niya ang inis na nararamdaman kay Krish. ‘Buti pa ‘to may konsiderasyon.’
“Talaga?”
“No. Ako na ang bahala sa kanya. Kasama ko siya.” Sumingit si Krish at hinawakan ang palapulsuhan niya. Tinaasan ito ng kilay ni Aliah at tiningnan na para bang sinasabing, ‘seryoso ka r’yan ha?’
“Magkasama po kayo?” tanong ng lalaki kay Krish.
“Yes. And give her to me,” maawtoridad na sagot ni Krish.
Tumingin muna ang lalaki kay Aliah at naghintay ng permiso sa kanya. Kaya naman ay tinanguan ito ni Aliah. Unti-unting kumalas sa kanya ang lalaki para mahawakan siya ni Krish.
“Sige po Sir, next time po h’wag niyong iiwan ang kasama niyo lalo na kung kailangan niya kayo,” anito at tiningnan ng seryoso si Krish.
Napamaang naman si Aliah at napa sabi sa sarili ng, ‘Burn!’
“Bye, Miss. Ingat ka palagi.” Nginitian ng matamis ng lalaki si Aliah. Lumabas tuloy ang isang biloy nito sa kaliwang pisngi. Nagpadagdag iyon ng ka-cute-an nito.
“Thank you ulit!”
“Ang yabang naman n’on!” angal ni Krish nang umalis na ang lalaki. Hinatid niya pa ito ng matatalim na mga tingin.
Muling bumalik ang inis ni Aliah kay Krish. “Yabang? Ikaw kamo walang puso! Alam mo naman ang sitwasyon ko iniwan mo pa ako rito!”
“Sorry na nga ‘di ba?” ani Krish at kinarga na siya na parang bagong kasal.
“T-Teka, ano’ng ginagawa mo?” Nagulat si Aliah sa ginawa nito. Unti-unting napapalitan ng kaba ang inis na nararamdaman niya para kay Krish.
“Uuwe na tayo.”
“Hanggang tenth floor?”
“Oo,” anito na para bang hindi manlang nabibigatan sa kanya. Paanong hindi? Matigas ang dibdib nito pero hindi naman nakakasakit. Naguumbukan ang mga muscles nito sa mga braso.
Napangiti si Aliah dahil sa sinabi nito. Kumapit siya sa leeg nito dahil nagumpisa na itong maglakad. Lalo tuloy’ng lumapit ang mukha niya sa mukha nito.
‘Gwapo sana kaso nakakainis.’
“Stop it.”
“Ano?”
“Stops staring at me.”
Lalong idinikit ni Aliah ang mukha niya rito. “Bakit? Masama ba?”
Bahagyang nagtangis ang mga bagang ni Krish at tumigil sa paglalakad. Bigla niyang hinarap ang dalaga. Napangisi siya nang biglang nanlaki ang mga mata nito. Halos kahibla na lang kasi ang layo ng mga labi nila.
“Hindi naman,” aniya at biniba ang tingin sa mga labi ni Aliah. Pagkatapos ay muling hinarap ang mga mata nito. “Aliah, hindi mo alam ang pinapasok mo.” Tinitigan niya pa muna ito ng ilang sandali bago muling ibinalik sa daan ang kanyang paningin.
Napalunok na lang si Aliah at unti-unting inilayo ang mukha sa lalaki.
‘Ano’ng ibig niyang sabihin?!’
© Ameiry Savar