Chapter 3

1530 Words
Chapter Three “Ano’ng gagawin ko ngayon?” natutulalang tanong ni Aliah sa sarili. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may pasilyo ng ospital at hinihintay si Krish. Bumibili ito ng mga gamot niya at iba pang mga kakailanganin. Tama si Krish, dahil hindi nga siya kakasuhan ng ospital dahil sa pagtakas niya. Medyo humupa ulit ang p*******t ng balakang niya dahil sa may itinurok ulit sa kanyang gamot. Pero lahat ng iyon ay hindi alintana ni Aliah. Mas pinoproblema niya ngayon ay ang sinabing doctor na hindi raw muna siya pwedeng magtrabaho. Kailangan niyang magpahinga ng tatlong linggo para maka-recover ng maayos. Kung tutuusin ay maganda ‘yon para makapagpahinga na rin muna siya. Kaso, paano ang mama niya? Hindi nito pwede malaman ang nangyari sa kanya kaya halos mabaliw tuloy ngayon kakaisip si Aliah kung ano ang gagawin niya sa sitwasyon niya. Mayroon daw kasing nabaling buto sa may balakang niya. Maliit lang ‘yon pero nagbibigay ng matinding sakit kay Aliah. Makukuha naman daw ‘yon sa gamot at pahinga pero ‘yon ang malaking problema para sa kanya. Hahabuling siya ng mga bayarin nila kapag magkataon. Kapag naman hindi niya sundin ang payo ng Doctor ay magkakaroon daw siya ng komplikasyon at baka lalong hindi na siya makapagtrabaho. Bumuntong hininga si Aliah, ‘Kasalanan n’ya talaga ‘to eh.’ “Let’s go?” Nag-angat ng paningin si Aliah at bumungad sa kanya si Krish na mayroong dalang supot. May tulak-tulak din itong wheelchair. “May problema ako.” Sinimangutan ni Aliah si Krish. Kumunot ang noo ni Krish at tinitigan si Aliah. “What?” “Paano ako magtatrabaho ngayon?” “You don’t have to. Ako ang boss mo kaya hindi mo na dapat problemahin ‘yon.” “’Yun nga po eh.” Biglang napaubo si Krish na ikinatigil saglit ni Aliah sa pagsasalita. “Hindi ko pwedeng malaman ng nanay ko ang nangyari sa akin.” “Bakit naman? Ngayon mo siya kailangan.” “Eh, basta. Hindi niya po pwedeng malamang ang nangyari sa akin ngayon. Baka mas maospital pa ‘yon kesa sa akin.” Medyo nakaramdam na naman ng irita si Krish. “So, what are you implying? I should take care of you and you should stay with me?” Tinitigan maige ni Aliah si Krish na nakatayo lamang sa harap niya at nakapamulsa. Salubong ang kilay nito at iritableng nakatitig sa kanya. Ngunit imbes na mainis ay napangiti si Aliah. Ngiting labas na ang ngipin, na para bang mayroon siyang magandang ideyang na isip. “What?” Lalong bumilog ang bilugan nitong mga mata. “Sir, magisa ka lang sa bahay?” Inabot ni Aliah ang kamay ni Krish at tinignan ang mga daliri nito. “Wala ka pa pong asawa?” Tumaas baba ang maliit na pabilog na naumbok sa lalamunan ni Krish. Binawi niya ang mga kamay niya kay Aliah at pinagkrus ito sa kanyang dibdib. “Why? Bakit mo tinatanong?” “Sagutin mo na lang po ako, sir.” Nakangiti pa rin si Aliah. Hindi- nakangisi na siya kay Krish. Tumaas baba ang isang kilay ni Krish. Mataman niyang tinitingnan ang mukha ni Aliah na para bang inaalam kung ano ang ibig sabihin nito. Sa huli ay bumuntong-hininga siya. “Yes. I live alone and I don’t have a wife. Happy?” “Yun!” Napapalakpak pa si Aliah at kumapit sa matigas nitong braso para makatayo. Bahagya pa siyang napapangiwi dahil panaka-naka pa rin ang sakit ng balakang niya. “Tulong please?” aniya nang hindi manlang kumilos si Krish para tulungan siya. Huminga muna ng malalim si Krish bago binuhat si Aliah at iniupo sa wheelchair. Kinuha niya ang mga pinamili niyang gamot na nasa upuan at inilapag iyon sa may hita ni Aliah. “B-Bakit mo ginawa ‘yon?” gulat na tanong ni Aliah kay Krish. Kinurap-kurap niya ang kanyang mata habang nakatingin sa malayo. “What? Sabi mo tulong?” Tinulak na ni Krish ang wheelchair ni Aliah. Hindi na naman sumagot si Aliah at tahimik na lamang na kumapit sa wheelchair. Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso niya nang binuhat siya ng pang kasal ni Krish. Napalunok siya nang mapagmasdan niya ng malapitan ang mukha nito n’ong tumingala siya. Deretso lang ang mga  tingin nito. Ang makapal at deretso nitong kilay ay magkasalubong na binagayan ng matangos nitong ilong. Mayroon itong maliit na nunal sa gilid ng tuktok ng ilong nito. Lalong nakadagdag sa seryoso nitong mukha ang kulot nitong buhok. Alam niyang matanda ito sa kanya ng ilang taon ngunit kung pagbabasehan ng itsura nito ay hindi mo ‘yon aakalain. Pwede pa siyang ipanlaban sa mga sikat na mga batang artista ngayon. Mukhang mas malalamangan pa nga niya ang mga iyon. “What?” Natigil si Aliah sa pagi-inspeksyon sa mukha ni Krish nang bigla itong magsalita. Ibinaba niya ang paningin niya at tumingin sa kanyang harapan. Ngunit napangiwi siya nang makita niya ang kanyang repleksyon at ang nanunusok na mga titig ni Krish. Nasa tapat na pala sila ng elevator. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “W-Wala.” Nakita niyang magsasalita pa sana si Krish dahil muling bumika ang bibig nito ngunit natigil dahil bumukas na ang pinto ng elevator. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Aliah dahil doon. Itinuon na lamang niya ang atensyo sa supot na nasa may hita niya. Ilang sandali lamang ay nakapunta na sila sa parking lot ng hospital. Muli siyang binuhat ni Krish para maisakay sa passenger seat. At muling bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil ‘don. ‘Ano bang nangyayari sa akin?’ reklamo ni Aliah sa kanyang isipan. Pilit niyang iwinaksi iyon pero muli siyang natigilan dahil biglang lumapit sa tapat niya si Krish. Inabot nito ang seatbelt niya at ikinabit iyon sa kanya. “So, saan kita ihahatid?” Muli siyang bumalik sa sarili niya nang magsalita na ito at unti-unti nang pinaandar ang kotse. Tumikhim siya at sinabing, “Sa bahay mo- ouch!” Hindi alam ni Aliah kung ano ang hahawakan niya. Ang ulo ba niyang tumama sa headboard ng kotse ni Krish o ang balakang niyang biglang kumirot dahil sa biglaang pagpreno nito. “Ano ba?!” “What did you say?” namamanghang tanong ni Krish kay Aliah. “Sa bahay mo. D’on mo ako ihatid,” deretsong sabi ni Aliah at nakipagmatigasan ng tingin kay Krish. Napaawang ang bibig ni Krish. Isinandig niya ang kanyan likod sa upuan niya na para bang pagod na pagod. “And why the hell would I let you in to my house?” “’Di ba sabi ko sa ‘yo hindi ako pwedeng umuwi sa amin na ganito ang sitwasyon ko?” Bahagyang tumigil si Aliah at humalukipkip. “At ikaw ‘din naman ang nag-suggest n’on ah?” “f**k…” mahinang usul ni Krish nang maalala niya ang tanong ni Aliah sa kanina. “Hindi ko naman ibig sabihin na ititira kita sa bahay ko ah?” “Oo. Pero nadisgrasya mo ako ‘di ba? So, kailangan mo akong panagutan.” “Pina- inasikaso naman kita ah? Sinamahan na kita sa ospital. I brought you you’re meds. Papasamahan kita sa secretary ko tuwing check-ups mo. Hindi kita papabayaan hanggang sa gumaling ka. And hindi ka mawawalan ng trabaho,” mahabang paliwanag ni Krish. “Basta. Wala ka namang kasama sa bahay eh. Hindi ako pwedeng umuwi sa amin ng ganito. Kawawa ang mama ko. Ayokong mag-alala sa akin ‘yon.” “It’s not my business anymore.” “It’s your business!” Nagsalubong na ang kilay ni Aliah at unti-unti nang nangilid ang luha niya. “Nakalimutan mo bang kung hindi dahil sa ‘yo hindi ako magkakaganito?!” puno ng hinanakit na sabi niya. Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha niya. Kanina pa kasi siya nagpipigil sa inis kay Krish. Itinakip niya ang dalawa niyang palad sa mukha niya. Napanganga naman si Krish dahil sa biglaang pag-iyak ni Aliah. “W-Why are you cying?” “Ang sama mo! Wala kang puso! Kung tumitingin ka kasi sa dinaraanan mo edi hindi sana nangyari sa akin ‘to!” Lumunok ng laway si Krish at dahan-dahang inilapit ang kamay sa balikat ni Aliah. Hindi niya kaya sa tuwing nakakakita siya ng babaeng umiiyak. Bumuntong hininga muna siya saka tinapik na sa balikat ang dalaga. “F-Fine. Sa bahay ko na.” Awtomatikong nag-angat ng tingin si Aliah at nilingon si Krish. “Talaga?” Sinuri niya ang mukha ni Krish. Tumango ito. “Yes. Oo na. Just stop crying okay?” Pinahid ni Aliah ang mga luha niya at ngumiti kay Krish. “Yehey! Salamat!” Nginitian niya ito ng ubod ng tamis. Muli siyang sumandig sa upuan at naghintay sa pagandar ng kotse. Napailing na lamang si Krish habang tiningnan si Aliah. Para itong batang mula sa pagta-tantrums na masaya na dahil napagbigyan ang gusto. Binuksan na niya ang kanyang kotse at nagmaneho na papunta sa kanyang condo.   © Ameiry Savar
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD