Chapter 2

1590 Words
Chapter Two “Salamat sa Diyos!” nanghihinang sabi ni Aliah nang makita na niya ang karatula ng coffee shop na pinagta-trabahuan niya. “Salamat kuya!” aniya sa sinakyan niyang trysikel. Inabot niya ang bente pesos na nakapa niya sa bulsa ng pantalon niya. Maige na lang at mayroon siyang nakapang pera sa bulsa siya dahil kung hindi ay maglalakad siya mula sa ospital hanggang dito. Ayaw niyang makita siya ng kanyang ina na nakabenda at may iniindang sakit. Balak niyang pakiusapan si Carl na sa kanila na lang muna siya tutuloy. Panay ang ngiwi niya habang naglalakad papasok sa establisyimento. “Teka po- Aliah?” Tiningnan siya ng guard nila ulo hanggang paa. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” “P-Pwede na po ba akong pumasok? ‘Di ko na po kaya ang sakit ng balakang ko.” “Halika.” Binuksan ni Manong Guard ang pinto ng coffee shop at inalalayan siyang makapasok. Kakaunti pa lang ang mga costumer ng shop nila kaya naman ay nagpasalamat si Aliah. Doon siya naupo sa pinakagilid na lamesa na mayroong malambot na pahabang upuan. “Urgh! Salamat!” “Aliah! Diyos ko! Ano’ng nangyari sa ‘yo?!” ani ng lalaking mayroong ipit na boses. Dali-dali itong lumapit kay Aliah na nakapikit ang mga mata. “Bruha ka! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Buhay ka pa ba?!” Nagmulat ng mga mata si Aliah at sinamaan ng tingin ang kaibigan. “Parang gusto mo na akong mamatay ah?” Iniikot lamang ni Carl ang mga mata niya at tinabihan ang kaibigan. “Ano ba kasi ang nangyari sa ‘yo at para kang galing sa gyera?” Huminga ng malalim si Aliah at pilit na inayos ang pagkakaupo niya. “Jusko ang sakit!” Mangiyak-ngiyak na si Aliah dahil nakaramdam na naman siya ng pamamanhid sa kanyang balakang. Parang biglang dumoble ang bigat niya dahil hindi niya halos mabuhat ang sariling katawan. Kaya naman ay tinulungan na siya ni Carl. Sinandig nito ang likod niya sa sandalan ng kinauupuan nila. “Letsugas kasi yung damuhong- ahh! ‘yon! Bundulin ba naman ako?” reklamo ni Aliah sa kaibigan. “Sino?” “Hindi ko nga nakuha ang pangalan kasi nawalan ako ng malay. Paggising ko nasa ospital na ako. At alam mo ba ang pinaka masakit?” Tiningnan niya ang kaibigan habang nakangiwi. “Iniwan niya ako sa ospital! Pati yung mga gamit ko tangay!” Napa-oh naman si Carl. Nakaramdam siya ng panlulumo dahil sa nangyari sa kaibigan. “Hay naku besh, kawawa ka naman. Dapat tinawagan mo ako para napuntahan kita kaagad.” “Wala nga yung cellphone ko, ‘di ba? Nasa bag ko na hindi ko alam kung nasaan na. Buti nga may bente pa pala sa pantalon ko kaya ako nakarating dito eh.” “Oo nga.” Kumunot ang noo ni Carl at tinitigan ang kaibigan habang nakataas na ang kilay. Alam niya ang ugali ng kanyang kaibigan pero gusto niya pa ring kumpirmahin. “Bakit ka nandito imbes na nasa ospital ka?” “Ahh…” Naging malikot ang mga mata ni Aliah. “Umalis ako d’on.” Pinagkrus ni Carl ang kanyang dalawang braso at mas inilapit ang mukha sa kaibigan. “Umalis?” Napalunok si Aliah, “Oo na! Tumakas ako! Ano’ng magagawa ko? Wala akong pambayad eh!” “Sabi na nga aba eh!” Inikot ni Carl ang mga mata niya. “Bakit ka umalis d’on? Alam mo bang pwede kang makasuhan dahil sa ginawa mo!” “Eh ano’ng magagawa ko? Tinakasan nga ako ‘di ba?” Magsasalita pa sana si Carl nang may tumawag sa kanya. Agad itong tumayo at lumapit sa lalaking tumawag sa kanya. “Who is she?” nagtatakang tanong nito habang nakatingin kay Aliah. “Si Aliah po sir Krish. Empleyado po siya rito.” Kumunot ang noo ni Aliah nang marinig niya ang itinawag ni Carl sa lalaking kausap nito. ‘Sir?’ “Oh, really. What happened to her?” Kumunot ang noo nito at unti-unting lumapit kay Aliah. Parang hindi lang balakang ang sasakit kay Aliah at maging ang kanyang leeg ay sasakit na rin. Hindi kasi maayos ang pagkakaupo niya tapos nang makalapit pa ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito katangkad. “Na aksidente po siya, sir.” Tumikhim si Aliah. “Carl, sino siya?” Hindi na napigilan pa ni Aliah ang sarili at tinanong na ang kaibigan. “Si sir Krish. Amo natin. May-ari nito.” Nandidilat pa ang mga mata ni Carl habang sinasagot siya. Napamaang si Aliah sa sinabi nito. ‘Siya yung may-ari ng Kriann’s Coffee shop,’ naalala niyang sabi ng nurse na nakausap niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso siya dahil sa nalaman. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. “Ikaw!” malakas niyang sabi ngunit agad napangiwi dahil sa biglang kumirot ang balakang niya. Tinitigan niya ng masama ang lalaki. “What?” nagtataka nitong tanong sa kanya. “What what-in ko ‘yang mukha mo eh!” “Aliah! Ano ka ba?” sayaw sa kanya ni Carl. Hindi pinansin ni Aliah si Carl at tinuon lamang ang pansin sa lalaking kaharap niya. “Ikaw yung may-ari nitong shop?!” Bahagyang napatawa si Krish dahil sa biglang inasta ni Aliah. “Yes?” “Ikaw yung-ahh! Damuhong nakabundol sa akin!” Tumabi na sa kanya si Carl at ibinaba ang kamay niyang nakaduro kay Krish. “Aliah, ano ka ba? Gusto mo bang mawalan ng trabaho?” pabulong na banta ni Carl sa kaibigan. “Wala akong pakealam! Siya ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon! Tingnan mo oh? Halos hindi ako makakilos dahil sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ko kay mama nito? Paano kung ‘yon pa ang ma-ospital dahil sa nangyari sa akin?” “Wait Miss. You mean ikaw yung babaeng nabundol ko kanina?” namamanghang tanong ni Krish. Mataman niyang tinitingnan si Aliah na nanggagalaiti sa kanya ngayon. Hindi mawala ang ngiti niya dahil sa pagkamangha sa inaasal ng dalaga. “Ano pa nga ba? Damuho ka. Bakit mo ako iniwan sa ospital? Tapos… tapos yung mga gamit ko! Binabalak mo pa ata akong nakawan!” Nawala ang mga ngiti ni Krish. “What? Hindi kita nanakawan.” “Bakit ka biglang umalis? Bakit mo ako iniwan at dala mo pa ang mga gamit ko, lalo na yung bike ko!” Nangilid na ang mga luha ni Aliah. “Ilang buwan ‘yong ipinagipunan ng nanay ko. Alam mo bang normal lang akong mamamayan ng bansang ‘to at wala akong pera kagaya mo! Panagutan mo ako!” madamdaming sabi ni Aliah. “Whoa! May nabuntis ka?” Biglang may lalaking sumulpot sa likuran ni Krish. Mas maliit ito ng kaunti sa kanya ngunit halos kasing edad lamang. “The hell! Siya yung sinasabi ko sa ‘yo kanina,” tanggi ni Krish. “Look Miss, hindi kita tinakbuhan kanina. I was late for my meeting, so I had to leave you in the hospital. But that doesn’t mean na hindi na kita babalikan doon. Babalikan sana kita pagkatapos ng meeting ko.” Natigilan si Aliah sa paliwanag nito. Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. “T-Talaga?” “Yes. Why are you here, by the way?” “P-Paano kasi… akala ko tinakasan mo ako kaya tumakas ako r’on.” Napamaang si Krish sa sinabi nito. “What? Bakit ka tumakas?” “Your girl is adventurous my friend.” “Shut up, Jared.” Marahas na bumuntong hininga si Krish. “Let’s go back to the hospital.” “Ha? Ayoko!” “Bakit?” tanong ni Carl. “Paano kung ikulong ako?” “Gaga! Sumama ka na! H’wag ka nang mag-inarte!” “Don’t worry. Hindi mangyayari ‘yang iniisip mo. Kung bakit kasi hindi mo ako hinintay?” ani Krish. Sinamaan ito ng tingin ni Aliah. “Hindi ko nga alam ‘di ba? ‘Ni wala ka man lang iniwang note sa mga nurse tapos kasalanan ko pa ngayon?” inis na sabi ni Aliah. Wala na siyang pakealam kung pagkatapos nito ay wala na siyang trabaho. Hindi niya kayang pigilan ang inis na nararamdaman niya rito. “Fine. I’m sorry. Now let’s go back to the hospital because I don’t have all the time.” Bumuntong hininga muna si Aliah saka nakangiwing tumungo sa binata. “Fine,” aniya at ginaya ang malalim na boses ni Krish. “Buhatin mo ako.” “Why would I?” Nagtaas ng kilay si Krish. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkairita sa dalaga. “Kasi hindi ako makalakad ng maayos?” mataray na sabi ni Aliah habang nakataas pa ang kilay. “Ako na sir.” Akmang bubuhatin siya ni Carl pero pinigilan niya ito. “Hindi! Ikaw magbuhat sa akin! Kung ang may dahilan kung bakit ako ganito kaya buhatin mo ako.” Nanindigan si Aliah. Hindi siya makakapayag na hindi rin ito makaramdam ng paghihirap. Napaungol na lamang si Krish sa pagpipigil sa inis. “Goodluck, bro,” pambubuska ni Jared kay Krish. Sinamaan ito ng tingin ni Krish at pagkatapos ay muling tumingin kay Aliah. “Fine. Let’s go,” aniya at binuhat ang dalaga.   © Ameiry Savar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD