Chapter 37 “She had a seizure because of some bacteria in her wounds. Pero sa ngayon ay okay na po,” ani Doctor ng tumingin kay Aliah. “For now, she’s okay. Kailangan na lang po natin siyang obserbahan pa.” Parang nabunutan ng tinik si Krish sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng Doctore. “T-Thank you po.” “Pwede n’yo na po siyang balikan sa loob.” Huminga muna ng malalim si Krish bago bumalik sa loob ng ICU. Wala pa rin pinagbago ang kalagayan ni Aliah. Napabuntong hininga siya at nilapitan ang dalaga. Marahan niyang dinampian ito ng halik sa noo. “I’m waiting for you, Aliah. I love you.” Lumipas pa ang ilang araw ay nanatiling walang malay si Aliah. Patuloy pa rin ang pag-oobserba sa kalagayan nito. Halos hindi naman na umalis na ng ospital si Ananya sa kakabantay sa k

