Chapter 36 Agad na tumalima ang Doctor pabalik sa loob matapos sumigaw si Krish. Hindi niya matatanggap ang sinabi nitong maging handa sila. Kailangan gawin nila ang lahat para mailigtas ang dalaga. Para saan pa’t naging Doctor ito kung hindi nito magagawan ng paraan na iligtas ang dalaga? Inalalayan niyang muli si Ananya paupo sa upuan. Lalo itong napahagulhol. “H-Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak ko sa akin,” anito at humagulhol. Hindi na rin napigilan ni Krish ang kanyang sarili. Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya rin makakaya na mawala ito sa kanya. “M-Magiging okay ho siya Ate. She’s the bravest woman I meet kaya alam kong magiging maayos din siya.” Tumabi si Krish kay Ananya at tahimik na umiyak. Halo-halo ang emosyon na kanyang

