Chapter 35 “Ananya?” Nagliwanag ang mukha ni Krish. “Ate Ananya! Ako ‘to si Krish!” Mabilis niyang kinabig si Ananya papalapit at niyakap ito. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman dahil sa muli nilang pagkikita. Mula noong magkasakit ang kanyang kapatid ay hinanap na niya ang mga ito. Ngunit naging mailap sila kaya hanggang sa mamatay na lamang ito ay hindi niya nahanap ang mag-ina nito. Mabilis na tinulak ni Ananya ang binata. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nito. “Ate? A-Ano’ng pinagsasabi mo? Anong ate?” Bahagyang nawala ang ngiti ni Krish. “Ate Anya, ako ‘to. Si Krish. Nakalimutan mo na ba ako?” Tumulo na ang mga luha ni Ananya. Tumalikod siya rito habang sapo-sapo ang noo. Hindi niya maunawaan bakit ate ang tawag sa kanya ng binata. Muli niya itong hi

