Chapter 32 “Krish!” Agad na hinawakan ni Aliah ang braso ni Krish. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig kay Brent. “Krish ano ba?! Bitawan mo siya!” “Ito ba ha? Siya ba ang dahilan Aliah kaya ka nakikipaghiwalay sa akin?!” puno ng hinanakit na tanong ni Krish kay Aliah. Natigilan naman si Aliah. Hindi naman kasi sila magkasama ni Brent sa mall. Nagkataon lang na pinabili siya ng kanyang ina para raw malibang naman daw siya. Tapos nakita niya si Brent na nakapila rin dito sa fast-food chain. At lalong hindi niya inakala na andito rin si Krish. “Krish ano ba?! Nagkakamali ka! Bitawan mo na si Brent!” “Ano ba ‘pre?! Bitawan mo ako!” Rinig na rinig niya ang pagkiskis ng mga ngipin ni Krish sa sobrang galit. Hindi nito binitawan si Brent. Bagkus ay bigla na lamang sinuntok

