Chapter 31 Bagsak ang balikat ni Krish na naglakad papalayo sa bahay nila Aliah. Halos isang oras pa siyang kumatok at naghintay sa labas ng pinto nito para muli itong makausap ngunit hindi na talaga siya nito pinagbuksan pa. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nagkagan’on si Aliah. Maayos naman silang naghiwalay noong gabi, hinatid pa nga niya ito pauwe sa kanila dahil nagmamadali ito at nag-aalala sa mama niya. Pero hindi niya alam na magiging totoong hiwalayan na pala nila ‘yon. Kitang kita niya ang sakit at hinagpis sa mga mata nito. Pero ang mas nasakyan siya nang may makita siyang pandidiri sa mga mata nito. ‘Bakit?’ paulit-ulit niyang tanong sa kanyang sarili. Iniisip niya na baka nagkausap na ito at si Mhia dahil ang alam niya ay nakarating na ito sa Pinas. Susubukan

