Chapter 30 Tatlong araw. Tatlong araw nang hindi bumabangon si Aliah sa kanyang higaan. Tatayo lamang siyia kapag nakakaramdam siya ng uhaw o sobrang pagkagutom, o kaya naman ay magbabanyo siya. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa kanyang trabaho dahil hindi niya talaga magawang bumangon. Nag-iwan lamang siya ng mensahe kay Carl na hindi siya makakapasok sa trabaho dahil may sakit siya. “Aliah.” Nakarinig siya ng mga katok mula sa kanyang pinto ngunit hindi siya nag-abalang tingnan iyon o sagutin. “Anak. Kumain ka na lang ha? Mayroon lang akong kailangan puntahan.” Narinig niyang bumuntong hininga ito. “Please kumain ka ha? Baka gabihin ako.” Muling nangilid ang kanyang mga luha. Nang narinig niya ang mga yabag nito papalayo at ang pagsara ng kanilang pinto ay doon

