Epilogue Kinabukasan, maagang gumising si Aliah. Medyo nahiya pa siya sa mga ksama nila sa bahay dahil paggising nila ay mayroon nang nakahain na pagkain. Tinawanan lamang siya ni Krish noong tanungin niya ito. Ganito raw kasi talaga sa probinsya, maaga magsigising ang mga tao. Maging kasi si Krish ay wala na sa kanyang tabi noong magising siya. “Punta tayo sa puntod ni Kuya ngayon,” ani Krish kay Aliah habang kumakain. “Sige.” Ngumiti si Aliah. Bahagya siyang nakaramdam ng excitement dahil makikita na niya ang kanyang ama. Kagabi ay nagtingin-tingin siya sa mga larawan na andito sa bahay. Kamukhang kamukha talaga ni Krish ang papa niya. Mas mukha lang manly ang papa niya at mayroong nunal sa ilong pero halos walang pinagkaiba. Matapos nilang kumain ay agad na nag-asikaso si Aliah. N
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


