Kimberly’s POV MATAPOS ang libing nina Lolo at Leonel. Umuwi kami ng mansyon. Pagbukas pa lang ng mala dambuhalang gate, bumalik sa alala ko ang masakit na yugto ng buhay ko noong iniwan kami ni William dito. “Ayos ka lang baby?” Tanong ni William sa akin. Matipid akong ngumiti at tumango. “O—oo ayos lang.” Tumigil siya sa tapat ng pintuan pinaharap niya ako sa kanya. “This time, we make it right. Magsimula tayong muli.” Saad niya. “Hindi ako matatahimik William. Hangga’t wala ang anak natin.” “Shhh!” Saway niya sa akin. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako. “Alam ko kung gaano kasakit at kalungkot ang mawalan ng anak. Masakit rin sa akin. Sinisisi ko rin ang aking sarili dahil hindi ko man lang kayo na protektahan. Responsibilidad ko iyon.” Wika ni William. Lalong humigpit

