William’s POV “NO! NO KUYA!” malakas kong sigaw. Regrets and guilt filled my entire being. Ako ang tumapos sa buhay ng kapatid ko. “William?” Tawag ni Lander sa akin. Sinubukan niyang i-revive si Leonel pero hindi na niya ito na nagawa. Sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Napatingin ako sa sugat ko. Tinalian na iyon ni Lander at nabigyan na niya ng paunang lunas. “William,” mahinang tawag ni Sanvih. Pinukol ko siya ng masamang tingin. Siya ang may dahilan ng lahat ng ito. “Lumayo ka sa akin Sanvih! Baka hindi ako makapag pigil baka ikaw mapatay kita! Hayop ka! Kasalanan mo ito!” “I am sorry, William. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita kaya nagawa ko iyon.” Lumuhod siya sa harapan ko. Dinakma ko ang panga. “Mahal? Hindi pagmamahal iyon Sanvih! Ganid ka! Sarili mo lang ang mahal

