Kimberly’s POV MAGKAHAWAK kami ng kamay ni William ng lumabas sa aming silid. He was true to his words. Ligo, ligo lang talaga walang kapa. Pero napasugod ako sa kama ni Miguel, nang makita ko siyang gising na. “Miguel! Anak ko!” maluha-luha kong lapit sa kanya. “Miee!” Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. “I am so glad you're finally awake, bud.” Dinig ko sabi ni William. “Tito William!” Kumalas ako sa kanya. Umupo ako sa edge ng kama niya. Kinuha ko ang mga kamay ni Miguel. “Miguel,” I paused. “Miee?” Tanong nito. “Si Tito William mo ang totoong daddy mo.” Akala ko magagalit niya. Pero ngumiti siya sa akin. “Sa panaginip ko mie, siya ang daddy ko.” Maluha-luha akong ngumiti sa kanya. Pero malungkot niyang tiningnan ang mga kamay niya. Hinipo niya rin ang mukha niya. “Nasunog

