Kimberly’s POV “WILLIAM!” Malakas kong sigaw. Yakap-yakap ko si Miguel. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. “Did you tell her, William? Kung gaano ka demonyo? You took everything from me. Now, pati si Kimberly at si Miguel kukunin mo rin sa akin? Hindi pa ba sapat na sinira mo ang buhay ko?” Matinding poot ang sumbat ni Leonel. “I am sorry, Kuya.” Hinging tawad ni William. Nakatayo na ito. Nakataas ang dalawang kamay. Nakaharang sa amin. “Sorry? Gago ka ba talaga? Maibabalik ba nang sorry mo ang nawala sa akin. Iniwan ako ni Melanie, Inagaw mo ang posisyon ko kay Lolo, ngayon naman ang pamilya ko? Wow! Ganoon kana walang puso William? Lahat na lang gusto mong kunin sa akin? Bakit? Anong ginawa ko sayo? Bakit mo kailangan maging iyo ang dapat ay sa akin? Bakit?!” Nanlalaki ang mga mata

