Kimberly’s POV “ABA MATAPANG!” Patuyang sabi ni Sanvi! “Walang hiya! Nasaan ang anak ko?” Nanggagalaiti kong tanong sa kanya. Sinalakay na ako ng matinding takot para sa kaligtasan ni Miguel. “Me? Seriously?” Pa-insultong tanong niya. “Kapag may nangyari sa anak ko, Sanvi patawarin ako ng Diyos! Hindi ko alam mo alam ang pwede kong gawin!” Malutong na halakhak ang pumuno sa buong silid. Nagbabaga ang mga mata ko, samantalang siya sapo-sapo niya ang tiyan. “You? Really? Hindi ka naman siguro bulag diba? You are being tied up, tapos tatakutin mo ako sa ano ang pwede mong gawin sa akin?” Tumawa pa siya na parang nababaliw na! “You are helpless f*****g b***h! So, h’wag mo akong mapagbantaan sa pwede mong gawin dahil wala ka sa posisyon para takutin ako!” Isang malakas na sampal ang tumam

