Kimberly’s POV “MIGUEL! MIGUEL!” tawag ko habang naka pikit pa ang aking mga mata. Basang-basa ng luha ang pisngi ko. “Hey, Kim! I’m here!” nang magmulat ako, sumalubong sa akin ang malumbay na mukha ni Lander. Mahigpit ang hawak sa kanang kamay ko. “Lander…” Pinisil niya ang kamay ko. “Kumusta na ang pakiramdam ko?” Malungkot niyang tanong. Hindi maampat ang luha ko. Parang walang katapusan ang pag agos noon. Kahit pigilan ko pa iyon hindi ko magawa. “Ang mga anak ko Lander? Nasaan si Miguel?” Tanong ko. Parang tinarakan ako ng libo-libong kutsilyo. Bawat bahagi ng katawan ko ramdam ko ang sakit. Bawat hangin na pumupuno sa baga ko lalong sumisikip. Hirap na hirap akong huminga. “Please, Lander sabihin mo sa akin, nasaan si Miguel. Parang awa mo na tulungan mo akong mahanap si Mi

