William’s POV CONTINUATION OF FLASHBACKS… HINDI ko na matandaan kong ilang araw, buwan o taon akong lumalaban sa bawat pag angat ko hindi ko iniwan si Lander. Sa bawat panalo ko, umangat ang level ko. Hanggang sa umabot na kami sa level B ni Lander. They trained us to be killers. No mercy. Sa murang edad namin, the only thing in our mind is to kill and survive. Wala kaming ibang pagpipilian. Sa huling level namin para umangat isa lang ang kahilingan ko palagi na hindi kami ni Lander ang magpatayan. Pero nagkamali ako. “Ikaw at ang kaibigan mo ang huling lalaban sa arena.” Malamig na sabi ni Lolo. Ang magarang kasuotan niya ang mamahaling relo niya ang nagpapa tunay kung gaano siya ka impluwensya. Lumuhod ako sa harapan, nakapatong sa mamahalin niyang mesa ang mala ginto niyang baril.

