William’s POV CONTINUATION OF FLASHBACKS… “WAKE UP!” Naalimpungatan ako, nasanay na rin ang sikmura ko sa amoy ng pinagkulungan sa amin. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Magulo ang buhok ko. Sobrang lamig ng sahig. “Bakit? Sasabak kana sa laban, kung mananalo ka, kahit tubig lang ha?” Nanghihinang pakiusap ni Lander. Tumango ako. Hindi ako marunong magdasal. Nag sign of the cross ako. Dinig ko ang yabag ng taong papunta sa amin. Lumangitngit iyon at binuksan. “Ikaw! Newbie! Tayo! Bilisan mo!” Sigaw niya sa akin. Iba ito sa nagdala sa akin dito. Tumayo ako. “Good luck Willy!” Pagpapalakas ni Lander ng loob ko. Tumango na lang ako. Nahabag ang puso ko sa kanya. Kung hindi ko gagalingan mamatay ako sa uhaw, gutom at sa sakit. “Bilisan mo! H’wag kang pa kupad-kupad dito!” Tinulak niya a

