Kimberly’s POV Sumiksik ako kay Lander. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Mabilis na umandar iyon. Walang may nag lakas loob na magsalita sa buong biyahe namin. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Lander. Binuhat ulit ako ni Lander. Dinala ako sa ikalawang palapag nang bahay niya. “Ihanda mo ang paliligo niya.” Utos ni Lander sa katulong. Tumango ito at agad na tumalima. Ibinaba muna niya ako sa sofa sa loob ng kwarto. Mabilis siyang lumabas ng silid. Ilang saglit pa, bumalik siya na may dala medicine kit. “Lander, nasaan ang anak ko? Ang aking inay? Si William.” Agad siyang nag iwas ng tingin. “Sir ready na po.” Tumango si Lander. Binuhat niya ako. At ibinaba sa bathtub. “Nasa labas lang ako.” Mabilis siyang tumalikod. “Lander?” Pero hindi siya lumingon. “Salamat.” Tuman

