"O dahan dahan lang..." inalalayan ni Julie si Elmo papasok ng Jacinthe Emys habang nasa likod nila si Sam at Tippy na dala dala ang iba pang gamit ni Julie at Elmo na dala nila sa ospital. Mga tatlong araw din namalagi si Elmo bago siya bigyan ng go signal na makauwi. Kaya naman na niya ang sarili niya yun nga lang may malaki siyang bruise sa lower left part dahil nga sa broken ribs. "Home sweet home!" Sam said happily habang binababa ang mga bag sa may living room. Julie helped to sit on the couch. Sobrang alalay siya dito dahil alam niya na sore pa rin ang katawan ng lalaki. "Ang hirap pa rin gumalaw." Elmo groaned. "Tsk, dapat kasi nasa kulungan na yung nag-beat ng red light." Sabi ni Tippy. Napailing naman si Julie at si Elmo. Hindi na rin sila nagpush charges against sa red lig

