Tahimik na nakaupo sa isang lounging chair sa may pool si Elmo. Oo alam niya na pagbabawalan siya ni Julie if ever nalaman nito na nandoon siya at wala sa penthouse para magpahinga. May hawak hawak siyang papel sa kanyang kamay at kanina pa ito tinitingnan at binabasa. "Sir Elmo!" Nagulat siya sa boses at kaagad tinago ang hawak na papel sa bulsa ng board shorts niya. Nakita niyang papalapit sa kanya si Joyce na muhkang kanina pa siya hinahanap. "Joyce..." Bati niya. Napahinga muna ng malalim ang dalaga bago tinongnan ang kanyang boss. "Sir, kanina ko pa po kayo hinahanap wala pala kayo sa penthouse." Nagtatakang napatingin naman siya sa babae. "Bakit Joyce? Something wrong?" "Uhm..." Natigilan saglit si Joyce. Elmo looked at her, hinihintay ang sasabihin nito. "Eh kasi...binilin

