Latch

3555 Words
AN: Sorry po sa typos! Thank you po sa 1k reads! <3 "Par pasa dito!" Kaagad naman pinasa ni Kris ang bola kay Sam bago naman binato nito kay Elmo ang bola dahilan para maka three points ang nahuli. "Yown!" "Nice dre!" Kanya kanya silang upo sa mga bleachers para magpahinga, panigurado re-rematch yung mga kalaban nila dahil sa natalo sila. Kaagad na nagpunas ng pawis ang tatlong magkakaibigan at uminom ng tubig. Si Elmo binuhos yung buong bote ng tubig sa ulo niya. Nakakapanginit maglaro eh. "Par bakit di ko alam na sa penthouse ka pala natulog kagabi?" Tanng ni Kris kay Elmo. "Off hours ka na nung dumating kami kagabi." Pagexplain ni Elmo habang inagaw nito yung iniinom na bote ng tubig ni Sam at nakiinom na din. Ayun, naghampasan ng twalya.  Natawa si Kris sa dalawang kaibigan. "Pero Kris, dre, swerte ni Elmo no? biro mo kasama niya sa penthouse yung liniligawan? Nabuhusan ka ata ng swerte dre!" Pagloloko ni Sam, huling hampas pa ng twalya kay Elmo. Tila doon lang narealize ni Kris yun. "Oo nga no! Siguro pinasadya mo talaga kay Mrs. Hernandez yung bath tub na yun para may dahilan ka makasama si Julie." Pang-aasar nito. Siya naman ang binato ni Elmo ng twalya. "Gago ka talaga, tindi ko naman non." "Haha! Biro lang par!" Nanahimik at nagpahinga sila saglit habang nag stretch pa ng mga aching muscles ng may mapansin si Elmo na papasok nung covered court na iyon. "Tsk." "Bakit dre?" Tanong ni Sam ng marinig niya pagkaltok ng dila ni Elmo. Bago pa makasagot si Elmo, lumapit na yung lalaking papasok ng court. "Magalona, naglalaro ka rin pala dito?" sabi nito, may dalang bola at naka jersey and basketball shorts. "Richards." Elmo greeted darkly. Nagkatinginan naman si Sam at si Kris, halatang naguguluhan. "Guys, si Alden Richards." Pagpapakilala ni Elmo. "Katrabaho ni Julie sa JAM." Tumango lang si Sam at si Kris, halatang may nase-sense kay Elmo at kay Alden. "Sam Concepcion..." "Kristoffer Martin..." Mahinang ngumiti lang si Alden bago tumingin ulit kay Elmo. "Matagal ka na naglalaro dito?" Medyo ngumisi si Elmo. Was this guy making small talk? Medyo possessive kasi siya kay Julie kahit ba, well technically hindi pa sila at alam niyang may gusto din itong lalaking ito sa kababata niya. "Ah oo... ikaw ba?" "Bago-bago lang." sagot naman ni Alden. Kahit si Sam at si Krisnararamdaman ang kakaibang tension sa pagitan ni Alden at ni Elmo. "Pare samahan mo naman ako, bili ako ng tubig sa may mini stop." Sabi ni Sam kay Kris, may kasama pang hampas. "Gago ano ka chicks?" Panloloko naman ni Kris. "Sige na! Inubos ni Elmo yung akin eh!" Natatawa naming tumayo na lang din si Kris at sinamahan si Sam dahilan para maiwan si Alden at si Elmo na ngayon ay muhkang nagpapatayan gamit ang tingin. "Pare ano balak mo sa ponkan? Di mob a alam na sumasakit na tiyan ni Julie sa ponkan?" Pangugutya  ni Alden. Elmo smirked. "Pumunta ka dito para sa small talk? Hinid ba maglalaro ka?" Binalik ni Alden yung ngisi. "Chill ka lang pre, maglalaro naman ako talaga kapag ikaw na kalaban." "Gusto mo ngayon na pare." Pangaasar ni Elmo. "Hindi naman siguro contest ito sa panliligaw kay Julie diba? Sabagay ako nauna." Saglit na naningkit ang mga mata ni Alden. "Hindi ka pa niya sinasagot pre, wag masyado mayabang. I still have a few tricks up my sleeve." "Sige lang." By this time nakatayo na si Elmo. "Ano one on one?" =o=o=o=o=o=o=o=o= Inikot ni Julie ang tingin sa lobby lounge. Marami rami din palang tao ang kumakain ng ganitong oras kahit medyo alanganin. "Good afternoon po Mam Julie." Bati ng isang waitress ng madaanan siya nito. Ngumiti naman siya. Medyo nakikilala na din siya dito, salamat na din sa pakikihalubilo niya kay Kris at kay Joyce. Tumunog naman ang cellphone niya sa may bulsa at kaagad niya itong tiningnan. On my way down J Binalik niya ulit ang device sa loob ng bulsa at sumandal na lang sa upuan. Sobrang nakaka relax sa lobby lounge; kahit pa marami tao, maganda naman ang ambiance dito, talagang gugustuhin mo na magpahinga lang muna dito. "Sorry am I late?" Nagangat ng tingin si Julie at napangiti ng makita kung sino ang kasama niya ngayon. "Hi Tippy, no no, di pa ako nag 5 minutes dito." Balik niya ng may malaking ngiti. Muhka namang natuwa si Tippy doon at napangiti bago umupo sa tabi ni Julie. "Sorry hinid natuloy yung lunch, naging meryenda..." Napahinto ito saglit sa pagsasalita bago hinarap si Julie. She sighed and finally released what she wanted to say. "Nag break na kami...." Natigilan si Julie. Hindi pa siya nanakreply sa sinabi ni Tippy ng ngumiti ito at nagrelease ng malaking ngiti. "God that felt good." Sabi ni Tippy. "Hinid ko na rin kinaya, bwisit, he doesn't make me feel special na talaga eh." Julie chuckled. "You go girl! Tama lang yon... his loss." Ngumiti ulit si Tippy. "Salamat Julie ah. I've known you for a short while pero sobrang gaan ng loob ko sayo." Medyo humina ang boses nito. "Kahit sa band members ko hindi ako ganoon ka comfortable." "Oh?" Pagtataka ni Julie. It doesn't really seem that way naman. Tippy nodded in answer. "Kasi, yeah we're all performers pero kahit anong mangyari may competition pa rin." "Let me guess..." Julie started. "Nagagalit yung ibang members kapag sayo napupunta yung magagandang kanta?" Natawa si Tippy. "Paano mo nalaman?" "I was a music student too." Julie shared. Muhkang mas interesado si Tippy ng sabihin niya yun kaya naman lumapit pa ito lalo sa kanya. "Talaga? Saan ka nag-aral?" Iyon lang. Medyo ayaw pa sana magsalita ni Julie pero since this was Tippy and she really liked this girl, she threw cautioin to the wind. "Uhm, sa Harvard ako nagtapos..." Lumaki ang mga mata ni Tippy. "Shut the door! Harvard?! Oh my gosh!" Julie shook her head. Ever the humble musician. "Uhm, it's really just a passion of mine." "Pero grabe Harvard!" Biglang parang nahiya si Tippy. "Grabe, para akong nag perform para sa isang critic!" Dito na ipapasok ni Julie ang matagal niyang gusto itanong kay Tippy. "Actually that's what I wanted to talk to you about." Kumunot naman ang noo ni Tippy, halatang nalilito din. "What about?" Dahan dahan namang naglabas si Julie ng card na galing sa wallet niya bago binigay ito kay Tippy. Tiningnan muna siya ng babae bago binalk ang pagbasa sa card. At kagaya ng kanina, lumaki nanaman mga mata ni Tippy. "Producer ka sa JAM records..." Mahinang ngiti naman ang binigay ni Julie. =o=o=o=o=o=o=o=o=o= Tagaktak ang pawis ni Elmo, tumutulo na ito sa gilid ng muhka niya. Pareho silang naghahabol ng hininga ni Alden. "Ano, pagod ka na?" Hamon ni Alden habang nag pupunas ng pawis. "Tuloy pa ito, dalawa lang lamang mo." Balik ni Elmo. Paunahan sila maka 50 at currently 35-37 yung score nila, lamang si Alden.  Lahat sa court pinapanuod lang sila kahit half court lang naman ang gamit nila. Mabilis na nagdribble si Elmo at dumeretso sa ring, sinubukan I block ni Alden pero naishoot naman ni Elmo. Sa may bleachers, seryosong nanunuod si Sam at si Kris matapos makabili ng tubig sa mini stop. Sa gilid ng mata niya, nakita naman ni Kris na tumutunog ang cellphone ni Elmo na nakapatong sa back pack na dala dala nito. Tiningnan niya saglit si Sam at bumalik naman ang tingin ng nahuli sa kanya. "Bakit?" "Si Julie tumatawag..." sagot ni Kris habang hawak hawak ang cell phone ni Elmo. Napangisi naman si Sam at walang sabi sabi na kinuha ang cellphone ni Elmo at tinawag ang may ari. "Moe!" Tumigil saglit ai Alden at si Elmo sa paglalaro. "O bakit?!" Inis na tanong ni Elmo sa best friend. Mokong na ito, kitang naglalaro eh. Nakangisi pa rin si Sam habang winawagayway ang cellphone ng best friend. "Tumatawag si Julie!" Parehong natigilan si Elmo at si Alden. Ngumisi muna ang nauna bago binitawan ang bola at dumeretso kay Sam bago kunin ang cellphone. 'Hello Tantz?' 'Tantz? Uhm gusto mo ba dito na lang tayo sa Glorietta mag dinner? Tapos deretso simba na irn tayo?' Ngumiti si Elmo, di niya mapigilan. Tangina kinikilig nanaman ako.  'Sige sige, shower lang ako tapos sunduin kita diyan sa hotel?' 'No wag na, magkita na lang tayo sa Glo...' 'But--' 'Sige na shower na, see you!' CLICK Nakangiti pa rin si Elmo ng ibaba niya ang telepono ng makaramdam siya ng batok. "Aray! Ano ba?!" Tuamatawa si Kris. "Para ka aksi tanga diyan! Ngiti ng ngiti!" "Par paanong di ngingiti?" Sabat ni Sam. "Eh boses pa lang ata ni Julie nanginginig na daliri niyan ni Elmo." "Mga gago." Balik ni Elmo pero nakangiti pa rin. Wala na siya pake. Dumeretso siya kay Alden, nakangisi.  "Paano ba yan Richards, concede na ako." "Napagod ka na ganon?" Natatawang sagot ni Alden. "Paano ba yan pare talo ka." "Ako nga ba talo?" Balik ni Elmo. "Laro ka lang dito ng basketball habang magkasama kami ni Julie kumain at magsimba." Hinid na niya pinasalita ito at dumeretso para kunin ang bag niya. Gulat na nakatingin si Kris at Sam sa kaibigan habang inaayos nito ang bag niya. "Par! Ikaw ba tlaga yan?" Tanong ni Kris. "Nagpatalo ka?" Elmo shrugged. "Ayoko maghintay si Julie eh." Once he made sure na okay na lahat ng gamit niya, sumaludo na siya kay Sam at Kris. "Sige na mga dre, layas na ako..." Naglakad na ito palayo.  Nagkatinginnan naman ulit si Kris at Sam. "Dre, kakaiba si Julie no? Biro mo nagpatalo si Elmo, eh ayaw na ayaw niyan natatalo!" "Oo par, kinikilig ako..." natatawang sagot ni Kris. Nakakalokong tumingin sa kanya si Sam. "O sino chicks ngayon?" =o=o=o=o=o=o=o=o=o= Masayang nag-iikot si Julie sa loob ng mall habang naghihintay ng text kay Elmo. Sana lang talaga... Napadaan naman siya sa dating music store na pinasukan nila noon ni Elmo at nakita mula sa labas na nginingitian siya ng isa sa mga employee. It was the same one na kumausap sa kanya matapos niya gamitin yung piano na ngayon ay nandoon at masayang naninirahan sa pent house. "Hi ma'am! Kamusta po?" Bati sa kanya ng  babaeng employee pagkapasok na agkapasok niya sa loob. "Hello mabuti naman." Sagot niya. "Binili po ni sir yung piano nung isang araw ah!Maganda po ba?" Natawa si Julie. "Oo, sibrang ganda ng tunog." "Naks!! Ma'am hindi niyo po ba talaga boyfriend si sir?" "N-no, uhm..." Medyo namula si Julie kasi nga naman... "Nanliligaw pa lang..." "Yun o! Sagutin mo na kaagad mam!" Kinikilig na sabi ng employee. Julie laughed softly before clearing her throat. "Uhm, ask ko lang kung saan yung best microphones niyo? Yung for recording?" "Ah, this way po mam!" Sinundan naman ni Julie ang employee hangga't dalhin siya nito sa may likod banda. Pinakita sa kanya ang iba't ibang mic, lalo na for recording. Hindi pa tapos may bigay ng sale niya yung employee ng tumunog ang phone niya sa pocket. "Oh excuse me..." Sabi niya sa employee na tumigil naman sa pagsasalita. 'Tantz?'    'Glorietta na me Tantz, saan ka banda?' 'Dito ako sa Strings and Keys music store...' 'Ah sige, alam ko yan, hintay mo na lang ako...' 'Alright...' CLICK Pagharap ni Julie nakangiti nanaman yung employee, ready na magsalita at magbigay ng sale. "So, paano po mam kunin niyo na?" Sabi ng employee matapos maexplain. "Kuha na din po kayo ng multiple set para if ever balak niyo po mag record as a group. Balikan ko na lang po kayo mam, may asikasuhin lang po ako saglit " Hindi muna sumagot si Julie, pinagiisipan pa niya, pero sa totoo lang kelangan na din niya ng gamit doon sa plano niyang music room sa may penthouse. Hindi pa siya tapos magisip ng mag ring ang bell ng shop, sign na may pumasok. Napasilip naman si Julie at di siya nagkakamali na si Elmo iyon. Ngumiti ito ng makita siya. "Hi Tantz!" "Hi!" Bati ni Julie. Bago hinarap ulit yung mga mic. "Ano sa tingin mo Tantz? Bili na din kaya ako ng multiple mic?" "Maganda din yun." Sagot ni Elmo. "Kasi diba para kapag as a group makakakanta kayo." In the end, kinuha nga ni Julie yung mga mic. "Wow sir! Nandito po ulit kayo? Libre niyo po ulit kay mam?" sabi ng employee ng makabalik siya. "Hindi nga eh..." Pagsimangot ni Elmo. "Ayaw niya kasi na ako bumili..." Julie rolled her eyes. "Nako Elmo, ang rami mo na linilibre, stop muna." Tumawa lang yung employee bago binigay yung isang box set kay Julie na kaagad naman kinuha ni Elmo. "O ito wag ka aangal kundi pati ikaw bubuhatin ko." Sagot ni Elmo. Julie couldn't help but blush habang natatawa yung employee. "Yii bagay kayo mam! Sagutin mo na kasi si sir!" Tumawa lang si Julie at Elmo bago nagpasalamat sa employee at dumeretso na palabas nung shop. "Saan mo gusto kumain Tantz?" Tanong ni Elmo habang linipat sa kabilang kamay yung dala niyang box. "Ah, ikaw ba saan?" "Kahit saan sige lang." Sa isang maliit na resto lang sila dumeretso. Swerte kasi di pa ganoon karami yung tao na nasa loob. Umupo sila sa table na nasa gitna banda. Dahil nga sa hindi ganoon kalaki yung café, halos magkakatabi lang sila nung iba pang customer. It didn't go unnoticed by Julie na may dalawang babae na kaedad lang nila ang kanina pa tingin ng tingin kay Elmo at hagikhik ng hagikhik. Kagwapo kasi ng nilalang na ito. Muhkang napansin ng mga babae na napatingin siya sa kanila, umismid pareho bago patay malisya na tumingin sa kabila. Hala ka. "Tantz? Okay ka lang?" Biglang hawak ni Elmo sa kamay niya. Hinihingi pala nito order niya. Kaagad siya nahimasmasan at tiningnan ang menu bago nagdecide sa kakainin. Dumating naman yung isang waitress at kinuha ang order nila. Gusto matawa ni Julie kasi nakatingin nanaman yung dalawang babae kay Elmo. "bakit ka ngumingiti?" tanong naman ni Elmo. Ay, ngumingiti pala siya. "Wala lang, siguro sanay ka na tinitingnan ng tao no?" "Huh?" Julie subtley gestured sa dalawang babae na nasa may kaliwa ni Elmo banda. Tumingin naman ang binata at kaagad ngumiti yung dalawa pero binawi lang din niya ito at binalik ang tingin kay Julie. "Kakainis nga eh." Elmo murmured as he drank from his glass of water. Marahang ngumiti nanaman si Julie. Siguro kung ibang lalaki kanina pa nakipagflirt pero iba si Elmo. "Shy ka ba talaga?" Elmo shrugged. "Hindi naman. Sabi lang nga nila, it's rude to stare." Natawa nanaman si Julie ng biglang may magtext sa kanya. She checked her phone and couldn't help but smile when she saw the message from Tippy; I'm up for it. J Excited na napatingin si Julie kay Elmo. "Tantz, pumayag na si Tippy gumawa ng demo cd at isubmit sa JAM!" Napakagat pa siya ng labi at saglit na napatingin sa taas, parang nagpapasalamat kay God. "Grabe ito na tlaga yun Tantz, ang lakas ng bili—Elmo! Huy!" "Huh?" Napapitlag naman si Elmo. Tinawanan siya ni Julie. "Akala ko ba it's rude to stare? Kanina ka pa diyan eh! Narinig mo ba sinabi ko?" Saglit na namula yung tenga ni Elmo. Huli siya eh. "Ano ulit iyon?" Julie sighed. "Sabi ko, pumayag na si Tippy gumawa ng demo CD, isusubmit yun sa JAM. Kaya sakto pagbili ko ng mic, baka doon namin gawin sa penthouse." "That's great!" Balik ni Elmo. "Sure ka talaga sa boses ni Tippy ah?" Ngumiti ulit si Julie. "Ewan ko, basta kasi kapag narinig ko boses niya, benta. Marahang ngumiti si Elmo. Parang ngayon lang kasi niya nakita na ngumiti ng ganyan si Julie. Mahal talaga nito ang music at talagang sobrang hindi mapakali sa idea na gagawa siya ng demo CD ni Tippy. Kaya hindi niya mapigilan tumitig eh, yung muhka ni Julie na iyon, yung sobrang saya, nakaka talon ng puso. Pagkatapos kumain dumeretso ang dalawa sa Greenbelt, doon na din sila magsisimba. Medyo puno na sa loob kaya naman napagdesisyunan na nila na sa labas na lang sila tatayo. Sakto hindi pa nagsisimula yung misa kaya naman dumerretso sila sa may mga kandila, magdadasal lang daw muna si Julie. Taimtim na nakapikit mga mata nito, muhkang mahaba ang dinadasal kaya kinuha na ni Elmo yung chance para titigan ito. Nagiging hobby na niya ata ang titigan ito, malala na takaga. How can someone look so simple and at the same time look like a goddess? "Elmo!" "Huh?' Pucha huli ka nanaman. "Sabi ko magsisimula na yung mass, balik na tayo sa pwesto natin." Sabi ni Julie. Medyo tulala na tumango lang si Elmo kaya naman napakunot noo ni Julie. "Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" "H-hindi hindi, tara na..." Inalalayan ni Elmo si Julie papunta sa pwesto nila kanina hangga't sa pareho na silang comportable na nakatayo sa may fence banda. Nagsimula na yung entrance song at sumabay naman si Julie sa pagkanta. Biglang kinilabuutan si Elmo... ang ganda ng boses nito!! Akala niya sa instrumento lang magaling ito, pati sa singing?! Walang mintis tono at pitch nito. Hanep, para siyang may katabi na anghel na kumakanta . He glanced at her once the song ended at napatingin din naman si Julie sa kanya. "O, bakit?" Bigla naman ngumiti si Elmo. "Ah, wala wala..." Julie shrugged it off bago binalik ang atensyon sa misa. Magisang ngumingiti si Elmo. Bakit parang mas lumalalim damdamin niya para kay Julie sa bawat araw na dumadaan? =o=o=o=o=o=o=o=o=o= "What a day...." Sambit ni Julie pagkapasok nila ni Elmo ng pent house. Buhat buhat ng kababata ang box ng microphone set na kaagad naman niya kinuha. "Uh, thanks Elmo, ideretso ko lang ito sa music room." "Sige sige, gusto mo ng kape? Gawa ako..." sabi naman ni Elmo. Tumango naman si Julie at ngumiti. "Okay salamat." Dumeretso si Julie sa kwarto na binansagan na niyang music room. Nandoon yung piano na binili ni Elmo para sa kanya, gitara niya at drum set na pinalipat din niya nung isang araw. And of course may speakers din siyang naka set up. Sa isang banda nandoon yung mac book niya. Oo siya na si Ms. Musician. Halos lahat ng instrumento kaya niya tugtugin. Masayang sinetup niya ang mga microphone at kaagad na sinubukan ito. Ang ganda ng tunog. Buong buo yung boses na gamit niya. Hindi niya natiis. Nag set siya ng isang microphone sa may piano bago nagsimula tumugtog at kumanta. You lift my heart up when the rest of me is down You, you enchant me even when you're not around If there are boundaries, I will try to knock them down I'm latching on, babe, now I know what I have found I feel we're close enough I wanna lock in your love I think we're close enough Could I lock in your love Now I got you in my space I won't let go of you Got you shackled in my embrace I'm latching on to you Now I got you in my space I won't let go of you Got you shackled in my embrace I'm latching on to you I'm so encaptured, got me wrapped up in your touch Feel so enamored, hold me tight within your clutch How do you do it, you got me losing every breath What did you give me to make my heart beat out my chest I feel we're close enough I wanna lock in your love I think we're close enough Could I lock in your love Now I got you in my space I won't let go of you Got you shackled in my embrace I'm latching on to you Now I got you in my space I won't let go of you Got you shackled in my embrace I'm latching on to you I'm latching on to you Nakangiting tinapos ni Julie ang kanta kaya't di niya namalayan na nasa may pintuan lang pala si Elmo at munting pumapalakpak. "Tantz, nandyan ka pala." Nahihiyang sabi ni Julie. Nginitian niya ito habang nakaupo pa rin sa may piano. "Ayos ba yung tunog nung mic? Ang ganda no?" Elmo only nodded his head before approaching Julie so he could sit beside her. "So hindi lang pala instrumento ang forte mo, pati yang boses mo?" Nag blush si Julie. "Thanks, ewan, nasa akin na ata talaga yung pagkanta, si Papa yung nagturo sa akin eh." Ngumiti si Elmo. "Ano nga ulit title nung kinanta mo?" "Ah, Latch... kay Sam Smith." Sagot ni Julie at medyo nagiwas ng tingin. Makatitig ito si Elmo, natutunaw ako eh. Bigla naman hinawakan ni Elmo ang kamay niya. Ayan nanaman yung mainit na feeling. Kakaiba. Nakatingin lang ito sa kanya kaya naman hinigpitan niya slight ang kamay nito para magising bago siya tumayo. "Okay na yung kape? Tara, living room tayo." Ngiti niya bago naunang lumabas ng kwarto, feeling niya kasi di na siya makahinga kapag nagtagal pa siya doon. Naiwan si Elmo at ngumingiti sa sarili bago randomly tumugtog ng mga keys. " Bagay sa atin yung kanta Tantz." Bulong niya sa hangin. "I'm latching on to you..." AN: Ahaha sabaw! At dahil nakaka inlove forevs ang boses ni Julie Anne, pakinggan ang version niya ng Latch hehe. Comments or Votes are greatly appreciated! Thank you po sa lahat ng nagbabasa! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD