Emergency

1502 Words
"Dre, ang clingy friend mo din eh no?" Asar na sabi ni Elmo kay Sam habang sabay sila naglalakad papunta sa gym ng Jacinthe Emys. "Eh wala ka naman ginagawa, wala din ako ginagawa, bakit hindi tayo mag gym pareho diba?" Natatawang sagot ni Sam. Pareho sila naka sport shorts at sleeveless shirts pagpasok sa gym. Kakaunti ang tao sa loob dahil na din sa araw; Wednesday, hindi pumasok si Elmo dahil wala naman siya kailangan na asikasuhin at si Sam ay wala din project at the moment. Derederetso sila sa weights at nagsimula mag warm up bago dumeretso sa mismong pagbubuhat. Saglit na tumayo si Elmo para magpunas ng pawis at uminom ng tubig ng may mapansin siya na pumasok sa loob ng gym. "Oi dre si ano—p*ta! Sam! Ano ba?!" Sigaw ni Elmo habang umiwas sa dumbbell na kanina hawak ng best friend niya pero walang pake si Sam. "Dre... ang ganda naman ng pumasok na yan...." Tulalang sabi ni Sam, walan pakielam na muntik na niya mabagsakan ng dumbbell yung paa ni Elmo. Naiinis pa rin sa kaibigan na sumagot si Elmo. "Malamang si Tippy yan eh, crush mo diba?" "Dre wag mo ipagsigawan!" Napatingin si Sam kay Elmo. Kasalukuyang dumeretso papuntang tread mill si Tippy, nag warm up at sinimulan ang pagtakbo. Maya maya naman sinisiko ni Sam si Elmo. "Dre, diba kilala ka niyan? Pakilala mo naman ako." Tiningnan ni Elmo ang kaibigan. "Ba't di ikaw magpakilala sa sarili mo? Asan na yung confident na Sam Concepcion na kilala ko?" "Kaya lang naman ako confident kasi yung mga babae yung lumalapit sa akin, kaso ito parang walang epekto." Sagot ni Sam. Napailing at mahinang tumawa si Elmo. "G*go, ang obvious mo masyado. Nagt-treadmill siya diyan tapo bigla kita ipapakilala?" Sam sighed. "You're right." Napailing ito at nagsimula magbuhat ulit. Tiningnan saglit ni Elmo si Sam bago bumalik din sa pagbuhat. Bahala ka Concepcion, kaya mo yan. Tuloy pa rin siya sa pagbubuhat, nagcoconcentrate sa pagbilang at parang tangang biglang napangiti. Magkikita kasi sila mamaya ni Julie dahil kinontrata nanaman niya ito sa isang lunch date. "ARGH!" Napatigil siya sa iniisip niya ng marinig niya yun. Si Sam! Tumayo siya sa bench at tumingin sa kanan pero laking gulat niya na wala na si Sam sa tabi niya; nasa may katabing treadmill na ginagamit ni Tippy ito. Pero ngayon nasa sahig si Sam at napapahawak sa binti. "Are you okay!?" Narinig niyang tanong ni Tippy kay Sam habang papalapit siya. "N-namumulikat ako..." Mahinang sabi ni Sam habang nakahawak pa rin sa binti niya. "Okay okay wait, stop struggling." Sabi naman ni Tippy, inilayo nito ang kamay ni Sam sa binti ng binata bago siya msimo ang nagtulak ng paa ni Sam towards his direction. "Ahhh..." Maginhawang sabi ni Sam habang tuloy si Tippy sa pagtulak. Nakatingin naman si Elmo sa kanila habang nakaluhod gamit ang isang tuhod. "Dre okay ka lang?" Tumango si Sam at patuloy pa rin si Tippy sa pagalaga dito. After some short minutes binitawan na ni Tippy ang binti ni Sam. "There, that should do it. Okay ka na? Wag ka muna gagalaw ha? Baka naman di ka nagwarm up?" Natatawang sabi nito. Nakangiting umiling naman si Sam. "Nagwarm up naman ako. Ewan ko bigla na lang ako tinamaan niyang pulikat na yan. Hindi ko alam na ganun pala gagawin kapag namulikat." "Well, anyways, wag ka muna mag work out ngayon." Inalalayan ni Tippy si Sam tumayo bago linahad kamay niya. "Stephanie Dos Santos but call me Tippy." "Sam. Sam Concepcion." Sagot ni Sam at nakipagkamay kay Tippy habang inalalayan ang sarili sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ni Elmo. Tumingin naman si Tippy kay Elmo. "Ah, good morning Mr. Magalona." Bahagyang natawa si Elmo. "Elmo na lang Tippy, magkaka-age naman tayo eh." Ngumiti si Tippy bago binalik ang tingin kay Sam. "If I'm not mistaken nanuod kayo ng show ko nung isang gabi? With Julie?" "Yup, kami yun!" Masayang sabi ni Sam. "Ikaw pinaka magaling kumanta sa kanila." "Thank you." Naka blush na tugon ni Tippy. Nakapangaasar na tiningnan ni Elmo ang kaibigan pero mahina siyang sinuntok ni Sam sa tiyan. "Sige Tippy, papa upuin ko muna itong kaibigan ko ah? Baka mabinat eh." Sabi ni Elmo. Ngumiti naman si Tippy. "Sure sure. Uhm,  I guess I'll see you guys around." Bumalik ito sa treadmill habang inalalayan naman ni Elmo si Sam paupo sa isang bench. Nakangiti pa rin si Sam ng mahinang pitikin ni Elmo ang noo nito. "Aray!" Mahinang sigaw ni Sam, baka kasi marinig ni Tippy. "Problema mo?" "Da moves ka din eh no?" Nakangising sabi ni Elmo. "Hindi ka talaga pinulikat, pusta at sigurado ako alam mo kung ano gagawin kapag napupulikat dahil ilang beses na nagyayari sa atin yan kapag nagbabasketball." Bulong ni Elmo. Ngumiti lang si Sam ng nakakaloko. =o=o=o=o=o=o=o=o= "Julie gusto mo ba ng kape?" Napaangat ng ulo si Julie at nakitang nakangiti sa kanya si Alden. "Uh.. sure." She uneasily answered. Seryoso. Kanina pa ito eh. Nung pagpasok niya binigyan siya nito ng saging, kakabili lang daw kasi kahapon at nagbaon siya. Tapos inabutan siya ng jacket dahil hindi naman nila mahinaan yung aircon ng sila sila lang dahil centralized ito. At ngayon nagtatanong ito kung gusto niya ng kape. "Sige, baba ako sa mini stop, gusto mo din ba ng chocolate o chichirya?" Tanong naman ni Alden. Dahan dahan na umiling si Julie. "Ah, hindi na siguro, salamat." "Sige sige baba na ako ah." Kindat ni Alden bago lumabas ng room. Mahinang natawa si Julie. Ang weird kasi ng katrabaho. Sakto naman na bumukas yung pinto at bumungad si Maqui. "Oh Maq..." Mahinang bati ni Julie habang inaasikaso ang mga papeles na nasa harap niya. Ngumiti si Maqui sa best friend at umupo sa couch sa loob ng kwarto. "Excited ka na ba Jules? Makakatrabaho mo si Saab bukas!" Ngumiti naman si Julie. Yes, Saab as in ang ate Saab ni Elmo. Isa kasi sa contract artists ang banda nitong WindRise at isang producer si Julie para sa album nila. Pero currently, balik siya sa paper work at pakikinig ng mga demo cd na pinapadala sa kanya. "So saan tayo maglulunch mamaya?" Napatigil saglit si Julie sa pagsulat at dahan dahan na tumingin sa kaibigan niya. May apologetic look na sa muhka niya kaya agad na nag react sa kanya si Maqui. "Ay nako! Magkasama nanaman kayo ni Elmo!? Ano?! Kayo na ba? Pinagpapalit mo na ako bes!" "Sorry bes!" Agad na tumayo si Julie at linapitan ang kaibigan bago yakapin ito. "Nagpupuppy eyes kasi si Elmo kanina bago ako umalis... ayon, di ko natiis." Maqui crossed her arms, nung una nakasimangot pero maya maya ngumingiti na ito. "Antagal mo rin sagutin no? E parang kayong dalawa na eh!" "H-ha? Hindi ah..." "Ay tigil tigilan mo nga ako Julie Anne! Nakaka 2 weeks na kaya since nasira yung condo niya. Diba dapat ayos na yun? Pero ano, sa pent house pa rin siya natutulog. Paano, mas gusto niya na umuuwi sayo kapag galing opisina." Tuluyan na namula ang pisngi ni Julie dahil may point nga si Maqui. Tinanong  din niya kasi si Elmo nung Monday; ayos na daw condo niya pero tinatamad daw ito umuwi doon kasi mas malapit nga yung hotel sa office. "Kita mo!" React pa ni Maqui. "At agaw na agaw niya ang time ko sayo! Lunch nanaman kayo together eh mamaya sabay din kayo mag didinner! Asus!" Pangaasar pa ni Maqui sabay kiliti kay Julie na natawa din. "Maq ano ba stop!" "Ahe dalaga na best friend ko!" "Frencheska Farr!" Natatawang sabi ni Julie habang iniiwas ang sarili kay Maqui. Pero hindi niya makakaila na kinikilig nga siya kay Elmo. Well, dati pa naman siya kinikilig dito pero mas kinikilig siya ngayon. Napakasweet kasi at maalaga. Ito pa nga lagi nagluluto ng breakfast nilag dalawa saka dinner kapag nasa may penthouse. Ang sarap lang nung feeling. Hindi kasi siya sanay na may nagaalaga sa kanya. Napatigil ang pag day dream niya ng mag ring ang phone niya. "Hello?" sagot niya habang tinitingnan siya ni Maqui. Kumunot ang noo niya saglit bago siya tumayo at agad agad na kinuha ang bag. "Sige po." She finaly ended the call at humarap kay Maqui. "Bes saan ka pupunta?" "May kailangan ako gawin." Mabilis na gumalaw si Julie. "Maq, out muna ako for today ah, emergency lang." "Is everything alright?" Nagaalalang tanong ni Maq. Tumango naman si Julie at bumeso kay Maqui at the same time nagtetext. "I need to go." Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at muntik na makabangaan si Alden. "Julie, san ka pupunta?" Tanong ng binata ng makita na dala ni Julie ang bag niya. "Alden, I need to go, I'm sorry, emergency lang." "Okay ka lang ba magisa?" Nagaalalang tanong ni Alden. "Hatid na kita." Umiling si Julie. "Kasama ko si Elmo."    ====================== AN: Short chap! Nasira laptop ko and I really just wanted to update! May part 2 pa po ito! Comment or Vote! Thanks as always po! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD