“Yaya Abe, paano po kayo napunta kina Rett? Bakit po naghiwalay si Gram at ma’am Athena?” Hindi muna sumagot si yaya Abe. Tumayo siya at hinawakan ang litrato ko no’ng medyo bata pa ako. “Si Duke ang unang lumabas kay Athena kaya siya ang panganay.” Sabi niya. “Minahal sila ni Gram at itinuring na tunay na anak. Ngunit nang ipinaintindi nila kay Duke ang tungkol sa batas nila kung saan kailangan niyang pakasalan ang pinsan niyang si Lovely para sa kanilang kayamanan ay agad itong nag rebelde at lumayas.” Bahagyang natawa si yaya at inaalala ang tungkol kay Duke. “Sa kanilang magkakapatid, siya ang napakaloko-loko.” Lumabi ako at sumang-ayon kay yaya. Tinawag nga niya akong anak ni Hitler. “Naglakbay si Duke sa iba’t ibang bansa gaya ng Africa, Dubai, Italy at anu-ano pa.” Kaya sobra

