“What are you doing?” sigaw ni Rosemelit sa pinsan ko na hinihingal habang binababa ang buko. “Buko juice party?” nakangiwing sagot ni Adrian. “Halika na anak, mukhang may pagagalitan.” Sabi ko kay Wisterio at lumayas kaming dalawa sa harapan nila. “Mama, aren’t we going to visit lola?” “Uuwi si lola mo dito sa susunod,” “Hindi si lola Camya, mama. Si lola Athena.” Tumingin ako kay Wisterio na nakatingala sa akin ngayon. Lumuhod ako at kinuha ang buko na yakap yakap niya. “This is not the right time yet para bisitahin natin ang isa mo pang lola anak.” “Why mama?” “Because she’s busy,” ikling sagot ko. Hindi na siya sumagot ngunit halata sa mukha niya ang agam-agam. “Sige na. Pumasok ka sa loob at bubuksan natin ‘yan,” tukoy ko sa buko. Sa hindi kalayuan, nakita ko ang isa sa ta

