Chapter 66

1085 Words

Umuwi ako ng bahay matapos ng pag-uusap namin ni ma’am Athena. Revelations after revelations? Hindi ko na alam. Mga sikreto niya na ibinunyag niya sa ‘kin? Hindi ko alam paano iyon itatago sa lahat. Pagkabalik namin ni Wisterio sa bahay, nag desisyon akong huwag munang lumabas ulit ng lupain. Ngayon nga ay tinatawagan ko si papa. “Uuwi na kami ng mama mo sa makalawa. Bakit?” aniya matapos niyang sagutin ang tawag. “Pa, can I request a double security sa pagbabantay sa amin dito sa vacation house?” “Why? Is there something wrong?” mahihimigan ang pag-aalala sa boses niya. “Sasabihin ko po pag-uwi niyo, pa.” Hindi sumagot si papa ngunit rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. “Alright. E si-send ko sa ‘yo ang direct contact ng head of security,” sabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD